BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Tuesday, April 20, 2010

SLOW MEN WORKING

Still getting the hang of Blogspot (again). Will experiment withthe lay outs this week. :)

Repost: Otil Dipal Principle

(repost: that's why it is in tagalog)

Minsan sa seminaryo, may ka-seminarista kami na iniidolo si Lito Lapid. Yes. Si Lito Lapid. (see picture)

Kung paano pumorma si Lito Lapid ganun ang porma niya. Palaging naka tuck in (naka polo man o tshirt), side burns, mustache, paglalakad at pati ang IQ. Tawag namin sa kanya ay Boy Tumbling at Otil Dipal (lito lapid na binaliktad). Laman siya ng lokohan namin hanggan isang araw, dumalaw ang GF niya.

Potek. Dyosa. Mula noon di na namin siya niloloko - nang harapan. hahaha.

Dito nagmula ang Prinsipyong Otil Dipal. Sinasabi dito na:

Talo ng madiskarte ang gwapo.

Oo, naman may advantage ang gwapo. Pero kung gwapo ka nga lang tapos torpe ka pa, walang patutunguhan yang mukha mo. Mas gusto ng mga babae yung lalaking porsigidong manligaw, di yung one time big time lang, at madiskarte sa pangliligaw, di yung bara bara na parang di nagiisip (plus kung gwapo ka pa - sure ball na wahahaha).

Tapos may mga sub, er, principles pa yan (ngaun ko lang naisip)

1. Wag kang torpe. Walang patutunguhan yan.

Para lang yang paglangoy sa pool sa madaling araw. Sobrang lamig ng tubig kaya parang ayaw mong lumangoy. Kung di ka naman lulusong sa pool, para san pa pagpunta mo dun? Sinayang mo lang oras mo. Tulo laway ka na lang. Tumalon ka na sa malamig na tubig, mawawala din yung lamig pagkatapos ng ilang minuto.

2. Wag matakot sumugal. Roll the dice sabi nga ni Larry Bird.

Sa panliligaw, low risk high reward ang sitwasyon. Wag matakot na mabasted, isipin mo na lang ito - 1:5. hahaha. Yun nga lang kung 5x ka nang basted, isipin mo na lang yung 5 ng kaklase mong bading at yung 5 pa ng fafa niya, ay sa iyo na lang mapupunta, so may 1:10 ka pa. hahaha.

3. Wag manligaw. Magpakatotoo ka na lang.

Oo, diskarte yung magpapakita ka ng mabuting side mo (pangliligaw) lang para mahulog sa yo ang puso ng babae. Pero MALING diskarte yan. Niloloko mo lang yung babae pati ang sarili mo. Pagnaging kayo, kung yun nga ang mangyari, pareho lang kayong mahihirapan. Dalhin mo siya sa paborito mong kainan kahit turo turo lang, isama mo sa barkada mo para makilala niya ikaw at ang ugali mo pagkasama ang barkada mo, wag magpakaplastic.

4. Lahat ay posible. Maniwala ka lang at gumalaw ka base sa paniniwalang ito.

Pero wag ka lang mag microecono-chicks sa "panliligaw." [aka seesaw move accdg to BBT] hahaha. Isa pa lang ang kakilala kong nakagawa nito. (sa may mga alam, tahimik na lang tayo. :) )

5. Talo ng may pera ang wala. Seryoso.

Practicality na rin siguro sa hirap ng panahon ngayon. Sabihin na natin pareho kayong madiskarte pero may pera yung isa para pang gimik o panlabas kasama yung girl - more or less may advantage na kaagad ito. Oo madiskarte din yung walang pera pero nalilimitahan siya dahil sa kakulangan ng funds. Itangi man ng iba pero ito ang realidad. MAY bearing na din yung pera - mahirap na ang buhay ngaun eh.


Disclaimer:

Ayon sa mga salita ni Diddy Dirty Money:


Hello
Good morning
Know you’ve been waiting for it
’cause I seen
You watching
So lets go
Lets get it popping

Oo, eto na naman ako at magsisimula na muling humabi ng mga salitang naguumapaw sa aking kalooban. Aking pagsusumikapang makabuo ng isang blog na may katuturan at kabuluhan at hindi pawang paraan lamang na maglabas ng ka-emo-han.

Sa totoo lamang, nag dadalawang isip akong gumawa ng blog sa kadahilanang marami na akong kakilala na marunong na sa internet, at baka maging malaking issue na naman ang aking mga ilalathala. Kaya naman...

BATO BATO SA LANGIT, ANG TAMAAN... EH DI HINDI NAKAILAG.

Huwag ninyo na lang itong basahin kung:
[1] nasasaktan kayo (o feeling nyo masasaktan kayo)
[2] tapos may mga magtetext o tatawag sa akin tungkol sa blog ko (eg aatakihin sa puso dahil sa blog)

Idadaan ko naman sa pinakamabait na paraan ang mga isusulat ko.

-iamtheblur
(follow me on twitter: www.twitter.com/iamtheblur)

PS I'll be writing my blogs in English. I just wrote the disclaimer in tagalog so that UNGAS can understand.


~on with the show



Thursday, February 25, 2010

loves Multiply. Ito lang nabubuksan sa office. :p FTW. makalimutan ko pa phone ko sa bahay XD

Sunday, November 15, 2009

Seriously!

Sunday, October 18, 2009

That night.

Yes, that was the night the front of my car kissed the ass of a fucking Canter truck.

Wednesday, 14th of October at around 7:20pm.

For the record, I was not:

[1] drunk or under any influence
[2] texting or calling

but I just woke up 30 minutes prior to my drive. I was about to gas up at a cheaper Petron gas station and eat dinner after. But then, as always, shit happens.

And shit happens to have a hefty price tag. Er, ok, I'm getting ahead of myself.

So, there I was driving and just passed by a Petron gas station that charges a peso more per liter than the other Petron I was going to (a mere kilometer or two between them), I was on a straight, dark road and I just shifted up to 4th gear. Then the fucking behind of the truck came out of nothing and in four seconds was FK'd by my bumper.

And in that four seconds, this is what I did:
[1] down shifted to 2nd gear
[2] looked at the shoulder (of the road, at the right side). Can't swerve there:
    [a] there is a trike (human + road accident = RIP)
    [b] there is a ditch (fine, kanal!) car -> ditch = ouch
    [c] or if fuck happens, trike + ditch + accident = $$$$$$$$$$$$ (walang peso sign sa keyboard)
[3] looked at the oncoming traffic on the left side. not an option: Bus vs car = guess what.
[4] engined braked and tried to hit the trucks 'step' thing at the back.

*NB*: Buckling up your seat belt is underrated.

I braced myself for the impact and the funny thing was, I was expecting the air bag to pop out/inflate. Too bad the car was jurassic enough not to have one in it.

I was shaking when I got out and looked at the front of the car. Fucking first time. I'm screwed.

The truck's driver came out and was asking me "what the fuck did you bump me?" (but in tagalog) I looked at him and shouted, "you don't have any fucking brake lights! I didn't see you!" And I also noticed that the truck was last registered way back in '07.

So the police and tanod came. We came to an agreement that the repairs would be "each to his own".

And 27k is cost of the repair plus a lifetime of rubbing from everyone from my clan.

Shit does happen.


-----
an example of clan rubbing:

ABANTE  - TONITE ONLINE
Octobre 13,2009
 
Raymond Olgado sa Bar bago maaksidente
 
Ang verdeng Toyota bago mabanga
 
Napagalaman ng Reporter ng Abante, ang aksidente sa Barangay San Vicente, Lipa City ng gabi ng Miercoles Octobre 13. Ayon sa PNP inbestigador sa precinto sa Lipa, si Raymond Olgado, samantalang nag-tetext at nagmamaneho ay sumagapak sa likod ng isang delivery van. Minamaneho si Raymond ang isang verdeng Toyota. Maliban sa pagtetext samantalang nagmamaneho, maaring may karga pa si Raymond gaya ng makikita sa picture sa isang bar sa Lipa.
Si Efren Olgado kasama ang anak na si Brian
Napagalaman din ng  Abante, na si Raymond samantalang nasa precinto kasama ang kanyang pinsang si Efren Olgado,building Administrator ng SM sa Lipa,  ay may padrino pa na ang Barangay Captain ng San Sebastian na si Kapitan JoJo Morada. Di umano ay inareglo ni Kapitan Jojo sa mga pulis ang kasong banggaan.  Kaya ang mga driver ay magkakanyanan na lamang ng pagpapagawa ng kanilang sasakyan. Napagalaman din ng Abante  na ang Toyota ng menamaneho ni Raymond Olgado ay may Third Party Liability Insurance lamang dahil sa pagtitipid ng mga magulang nito na ngayon ay nakatira sa Los Angeles, California.
Lex Olgado na umiinom din.
May history na pala sa bangaan ang kapatid ni Raymond na si J.L. Olgado. Minsan samantalang nasa Pinas pa si JL ay sinapak din nito ang kotse ng isang doctor samantalang nasa South Super Highway. Minamaneho din ni JL and verdeng Toyota.

---

sinend ng uncle ko sa y!groups namin.

Tuesday, October 13, 2009

proud to be from Lil' Rome. :)