BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Tuesday, April 20, 2010

Repost: Otil Dipal Principle

(repost: that's why it is in tagalog)

Minsan sa seminaryo, may ka-seminarista kami na iniidolo si Lito Lapid. Yes. Si Lito Lapid. (see picture)

Kung paano pumorma si Lito Lapid ganun ang porma niya. Palaging naka tuck in (naka polo man o tshirt), side burns, mustache, paglalakad at pati ang IQ. Tawag namin sa kanya ay Boy Tumbling at Otil Dipal (lito lapid na binaliktad). Laman siya ng lokohan namin hanggan isang araw, dumalaw ang GF niya.

Potek. Dyosa. Mula noon di na namin siya niloloko - nang harapan. hahaha.

Dito nagmula ang Prinsipyong Otil Dipal. Sinasabi dito na:

Talo ng madiskarte ang gwapo.

Oo, naman may advantage ang gwapo. Pero kung gwapo ka nga lang tapos torpe ka pa, walang patutunguhan yang mukha mo. Mas gusto ng mga babae yung lalaking porsigidong manligaw, di yung one time big time lang, at madiskarte sa pangliligaw, di yung bara bara na parang di nagiisip (plus kung gwapo ka pa - sure ball na wahahaha).

Tapos may mga sub, er, principles pa yan (ngaun ko lang naisip)

1. Wag kang torpe. Walang patutunguhan yan.

Para lang yang paglangoy sa pool sa madaling araw. Sobrang lamig ng tubig kaya parang ayaw mong lumangoy. Kung di ka naman lulusong sa pool, para san pa pagpunta mo dun? Sinayang mo lang oras mo. Tulo laway ka na lang. Tumalon ka na sa malamig na tubig, mawawala din yung lamig pagkatapos ng ilang minuto.

2. Wag matakot sumugal. Roll the dice sabi nga ni Larry Bird.

Sa panliligaw, low risk high reward ang sitwasyon. Wag matakot na mabasted, isipin mo na lang ito - 1:5. hahaha. Yun nga lang kung 5x ka nang basted, isipin mo na lang yung 5 ng kaklase mong bading at yung 5 pa ng fafa niya, ay sa iyo na lang mapupunta, so may 1:10 ka pa. hahaha.

3. Wag manligaw. Magpakatotoo ka na lang.

Oo, diskarte yung magpapakita ka ng mabuting side mo (pangliligaw) lang para mahulog sa yo ang puso ng babae. Pero MALING diskarte yan. Niloloko mo lang yung babae pati ang sarili mo. Pagnaging kayo, kung yun nga ang mangyari, pareho lang kayong mahihirapan. Dalhin mo siya sa paborito mong kainan kahit turo turo lang, isama mo sa barkada mo para makilala niya ikaw at ang ugali mo pagkasama ang barkada mo, wag magpakaplastic.

4. Lahat ay posible. Maniwala ka lang at gumalaw ka base sa paniniwalang ito.

Pero wag ka lang mag microecono-chicks sa "panliligaw." [aka seesaw move accdg to BBT] hahaha. Isa pa lang ang kakilala kong nakagawa nito. (sa may mga alam, tahimik na lang tayo. :) )

5. Talo ng may pera ang wala. Seryoso.

Practicality na rin siguro sa hirap ng panahon ngayon. Sabihin na natin pareho kayong madiskarte pero may pera yung isa para pang gimik o panlabas kasama yung girl - more or less may advantage na kaagad ito. Oo madiskarte din yung walang pera pero nalilimitahan siya dahil sa kakulangan ng funds. Itangi man ng iba pero ito ang realidad. MAY bearing na din yung pera - mahirap na ang buhay ngaun eh.


0 comments: