BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Tuesday, October 28, 2008

Wereber 2




Manaoag Day :)

Monday, October 27, 2008

Wereber: Isang Talaan ng Paglalakbay III

Agahan

Biyernes na. Gising na mga kaibigan. Unang araw natin sa Wereber. Pagkaraan ng ilang oras na tulog ay nasilayan din namin ang liwanag ng araw sa Bgry. Mabanogbog. Ang aming bahay sa mga darating na araw. Pagbukas namin ng pinto ng kwarto (yung litrato sa tabi), ay nakahain na sa amin ang agahan namin na inihanda ni Mario, ang may ari ng bahay. Gising na rin pala ang si RyDen at ang iba pang mga bisita nina Mario. (oo, parang hotel bahay nila) May mga suman na, mainit na mga tinapay, peanut butter, mainit na tubig, at kape sa lamesa. Kinamusta ni Mario ang biyahe namin at kami naman ay kinamusta ang pag aaral niya sa Japan. Tinanong ni Mario kung saan ang kami unang pupunta. Ang napagusapan ay pupunta kaming beach na malapit sa Urdaneta. Pagkatapos ng agahan ay si Kali ang nag prisinta na mag hugas ng pinggan at kami ni Tian ang magliligpit ng lamesa.

 

 

 

 

 

 

 

pagod sa biyahe

kainan na!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

suman!

Soon-to-be-Atty. Christian "The Team" Diaz

 

 

 

 

 

 

 

Photo Shoot para sa Nescafe Ad

Thank you, Lord. *taps table three times*

Tanghalian

Pagkatapos ng masarap na almusal ay nagpahinga muna kami sa kwarto. Nagsound trip, PSP, surf sa net (gamit ang malupit na Jap ver. ng MacBook ni Mario) at nagplano ulit ng pupuntahan. Pumasok si Mario para magtanong kung saang beach kami pupunta. Sa tanong niyang iyon, doon nagulo (sa magandang paraan) ang plano noong almusal. Nasabi ni Mario na may Bangus Festival daw sa Sabado sa Dagupan, kaya mas mainam daw na Sabado na lang kami pumunta para isang biyahe na papunta sa kanlurang bayan ng Urdaneta. Kung pupunta kami kinabukasan sa beach, saan kami pupunta ngayon? Wala kaming masabi na sagot kay Mario, pero sabi niya na "may pinupuntahan ang mga Catholics sa Manaoag. Malapit lang yun." (Methodist po si Mario). Nagkatinginan kami nina Kali at hindi ko matandaan kung sino ang nagsabi pero may nagbanggit na "tara na lang doon. Magpasalamat tayo sa sem na ito at sa biyahe natin." At doon kami ay nagkaisa - sa hapon ay dadalaw kami sa Birhen ng Manaoag. Pero bago muna yun - tanghalian muna.

Mabuti na lamang at dala namin ang pinagmamalaking chef ng Team Flow - si Christian Diaz. Siya ang naghanda ng mga kakainin namin sa tanghalian. Adobo ang inabutan kong niluluto ni Tian sa kusina. Nagkwekwento si Tian sa amin nina Ryden kung paano siya natutong magluto. Sa may hindi alam ay may kantina dati sina Tian sa Intramuros at kapag wala ang tagapagluto nila doon ay siya at ang kanyang nanay ang naghahalili sa pagluluto. Bukod daw doon ay mahilig din daw siyang kumain kaya kailangan niyang matutong magluto para naman daw masarap ang kakainin niya. Madami ang niluto na pagkain dahil kasama pa din namin sa bahay ang ibang bisita nina Mario. Habang pinapalambot ang adobo ay naghanda na kami ng mga lamesa. Ang naging usapan ay sa loob kami at sa labas yung kaibigan nina Mario. Bago kumain yung mga nasa labas ay kinanta nila ang pasasalamat bago kumain - medyo pop yung bersyon nila. Humirit si Tian na "Mario RnB naman ang bersyon namin." Hahaha. Malupit ang lutong adobo ni Atty Chef Diaz. Kung saan niloloko namin siya na pede na siyang magpakasal (next in line ka na boy). Naputol ang tawanan namin noong sumigaw si Ryden ng "Mario-kun blah blah koori!". Lol. Ano yun? Tanong namin kay Mario. Nag away pa yung dalawa kung ano ang tamang bigkas ng salitang iyon - pero ICE lang pala ang kailangan (koori: ice). Ang aming tagapagsalin at henyo sa salitang banyaga na si Tian ay humirit ng ganito:

Tian: Ser, Cory (yes yung pangulo) ang tamang bigka niyan.

Kami: Lol. Paano mo naman alam yan?

Tian: Ayin kasi sa pag aaral ko sa lenguahe na yan, naimpluwensyahan yang salitang yan ng mga Pilipino.

Kami: Bakit naman?

Tian: Ganito kasi yan, Ano kulay ni Cory?

Kami: Yellow

Tian: yun na yun ser! Yelo = ice.

*ampota*

Natapos din ang aming tanghalian sa gitna ng mga kwento ni Mario ng kultura sa Japan at walang katapusang pagpapatawa ni Diaz. Naghanda na kami papunta sa Manaoag at ang mga kaibigan ni MArio ay umuwi na.

 

 

 

 

 

 

Ryden and co.

Talong Cutting 101

 

 

 

 

 

 

Adobo!

 

foooooood!

 

Dasalan

Malapit lang ang bayan ng Manaoag sa Urdaneta. Higit kumulang tatlumpung minuto ang biyahe papunta dito. Unang beses ko lang makarating dito, kahit na ilang beses ako dati pinipilit nina mama na sumama sa kanila papunta dito. Ganito rin ang sabi ni Kali, madalas nga daw ang magulang niya dito. Wala akong masabi sa lugar. Sobrang tahimik (nagkataon ata na konti lang talaga tao nung pumunta kami dito) at mararamdaman mo ang kabanalan ng lugar. Marami nang nakatirik na kandlia sa candle gallery. Yung iba ay ang parang isang buong plastic ang biniling kandila meron naman na padalawa dalawa lang ang sinisindihan na kandila. Habang nasa pila ay iniisip ko na ang hihilingin ko sa Panginoon. Pero sa hawak kong pera noon ay mukhang tatlong kandila lang ang mabibili ko. Ayos lang. Ang importante magpagdasal ko sila.

Kanya kanya kaming pwesto nina Kali, Tian, Mario, at Ryden sa pagdadasal at pagtirik ng kandila. Sa hindi ko pa napagkwentuhan - naiyak ako sa pagdadasal. Potek. Feeling ko talaga sobrang makasalanan ako at di ako karapat dapat humiling ng kahit ano para sa sarili ko. Basta mapatawad ako sa kasalanan ko, ok na. Yung dalawa ko pang kandila ay para sa mga importanteng tao sa buhay - ang pamilya at siya. Sana kahit paano madinig ng nasa Itaas ang dasal ko. Pagkatapos magdasal ay pumasok kami sa loob para tingnan ang imahen ng birhen, sa kasamaang palad ay sarado na yung daan pataas sa likod ng Birhen kung saan pede mo siya mahawakan. Sa loob ng simbahan ay kumuha kami ng mga litrato. Syempre may malupit na namang kuha si Kali (tingnan sa baba). Mga Domikano pala ang nagpapatakbo ng simbahan na ito at parang may seminaryo ata sila sa tabi ng simabahan. Pinalabas na kami ng gwardiya dahil magsasara na daw.

Sa patio ay tuloy ang pagkuha namin sa simbahan. Sabi nga ni Kali ay umayon ang panahon at ang liwanag sa oras na kumukuha kami ng litrato. Kaya naman ang dami naming kuha dito. Sa harapan ng simbahan ay may mga tindahan ng mga imahen, rosaryo, etc kung saan tumingin at bumili sina Kali at Tian ng pasalubong sa mga magulang nila. Swerte pa namin dahil may Razon's din sa labas. Kaya nag halo halo kami bago umuwi.

Maraming salamat, Birhen ng Manaoag.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Inside the Church

Sa loob ulit

 

 

 

 

 

 

 

 

 

:)

Church of Our Lady of Manaoag

 

 

 

 

 

 

Kuha ni Kali

Kinuhanan si Kali

 

 

 

 

 

 

 

Razon's

Halo

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Halo Halo

di pa halo.

Peryahan

Paguwi namin ay bumili na kami ng ulam sa daan. May bagong bukas ng lechon manok na nagtitinda ng isang buong manok para lamang sa halaga na 130-soemthing. Sobrang haba ng pila, talo pa ang linya sa lotto na 200m ang premyo. Yun pala kailangan pang maghintay ng 30 minuto bago namin makuha ang manok, kaya sa iba na lang kami bumili. Pagdating sa bahay ay sinalubong kaagad kami ng tita ni Mario, nag yayaya papunta sa peryahan. Ok sa amin ni Kali ang ideya, pero si Tian pass muna daw, pahinga muna daw siya. Madali kaming naghapunan at pumunta kaagad kami sa peryahan. Pasensya wala kaming dalang camera o cellphone man lang doon.

Pinag aralan muna namin ni Kali ang probability ng pagtama sa mga laro dun bago tumaya. May color game doon na mahinang taya na ang 100 per game. Kaya naman hinanap pa namin yung pede ang limang piso na taya. Sa color game na ito, may anim na kulay tapos ishoot mo yung bola sa isang funnel (lol di ko alam yung tamang term), tapos tatalbog yung bola hanggang tumigil siya sa isang square na may kulay. 1/6 na tatama ka sa kulay na pinustahan mo pero may tatlong bola so may tatlong 16.6% ka na tatama ka. Dun naman sa isang laro, kung same suit times two kaagad yung taya mo. So yung chance nun 1/4 - 25% para sa may panalo ka. Kung gusto mo naman manalo ng times ten ng taya mo dapat same card ng papatakan ng pingpong ball. 1/52 ang chance dun. Ang gameplan ni Kali ay ganito - taya sa color game, then pagpaubos na lipat sa card. Hahaha. Masaya ito. Laugh trip pa kami dun sa parang roulette na may 31 numbers at 2 letters ata un. pag piso, 10php  pag tumapat sa napili mong value. Ubos ang piso dito pero ang saya.

Umuwi na kami ng alas diyes kasi matutulog pa yung mga bata naming kasama at si Eekai ay dadating ng madaling araw mula Manila. (naks. Love nga naman.)

Piling mga Larawan

 

 

 

 

 

 

 

Ano yan mga ser?

habang naghihintay sa manok - Kali singin' Mata sa yong kokote ~

LQ

Beatle's anyone?

struggle kami i-operate ang washing machine

 

rey's lolo

 

 

 

 

 

 

 

 

 

japan japan

 

pics by kali and imon

Rivermaya - 20 million




Most Favorite 'Maya Song. Hands Down.

From their debut album.

Friday, October 24, 2008

Lolo ni John Prats




hahaha.

Lolo ni Rey yan. Bar Topnotcher noong 1940's :)

stopover namin from Vigan going back to Urdaneta - para sa 'yo ito Rey. hahaha.

interview ni How-I-Wish-I-Will-Be-An-Atty. Christian "The Team" Diaz. Rey, si Diaz na bawian mo dyan.

Tuesday, October 21, 2008

Alapaap




Guess who...

Wereber 1




NLEX to Urdaneta and First day Bfast :)

Sunday, October 19, 2008

Wereber: Isang Talaan ng Paglalakbay II

Ang Unang Hakbang [10.16.08]


Alas siete. Nagdasal kami at nagpasalamat bago umalis sa Maynila. Eto na kami. Magkakaibigan na maglalakbay patungo sa lugar na hindi namin alam - patungo sa Wereber.

Pinili namin na si Diaz muna ang magsisimula bilang taga pag maneho ng kotse habang si Kali ang opisyal namin na navigator. Napagkasunduan na pinakamabilis na daan patungo sa NLEX ay ang daan mula sa North Avenue. Wala masyadong kaguluhan sa trapiko mula North Ave- Balintawak hanggang sa NLEX. Habang nasa daan ay ikinukwento namin ni Kali kay Diaz ang  nangyari noong nakaraang gabi sa condo at kung anu-ano pang pangyayari sa araw na iyon. Nagpalitan kami ng kuro kuro habang binabaybay namin ang kahabaan ng NLEX. Di ko maiwasan ikumpara ito sa SLEX sa kadahilanan na ito ang madalas kong tinatahak na daan pauwi ng Lipa. Naisipan namin na maglagay na muna ng krudo para tuloy tuloy ang aming paglalakbay at para makarating kaagad kami sa Norte. At syempre naman ay dun kami dumaan sa amin sponsor.




















Mula sa Shell station ay dumerecho na kami sa kahabaan ng North Diversion Road. Pinapaalalahan namin si Diaz na strikto ang NLEX sa speed limit at maging alisto sa pagpapalit ng linya dahil may kabilisan din ang takbo ng ibang sasakyan. Wala namang kakaibang nangyari dito, paulit ulit nang mga kwento tungkol sa buhay namin, sa eskwelahan, opinyong pinansyal at kung anu ano pa. 

Pagkalampas ng Luisita ay ako naman papalit kay Diaz na mag drive. Sa may Shell station sa harap ng 7th day adventist kami tumigil para may unat at magpalit ng posisyon.

Shell After Luisita









































Napansin ko lang na soooooooobrang tagal namin sa Tarlac. Feeling ko na nadaanan na namin ang lahat na bayan dito sa probinsyang ito dahil mas matagal pa ata ang nilakbay namin dito kaysa sa NLEX-Pampanga. Wala namang masyadong naging problema pwera na lang sa konting lubak sa kalsada, kakulangan ng ilaw sa daan, at mga pasaway na motorista na hindi marunong mag dim ng ilaw at walang brake lights. Nagugutom na kami pero napagdesisyunan namin na sa bahay na nila Mario kami kakain kasi nakahanda na daw ang pagkain, tiniis na lang namin at nagmadali patungo sa Urdaneta.

Pagdating namin sa Urdaneta nagkamali pa kami ng liko, medyo napaaga ng isang kanto at napadpad kami sa palengke. Adventure. Nagmarunong kami at pilit hinahanap ang palatandaan kung saan kami pupunta. Sa kabutihang palad ay malapit lang pala ang Shell sa amin kinatatayuan kaya naman di kami kinabahan at sa halip ay natuwa pa dahil malapit na kami sa Brgy Mabanogbog! 

Pasado alas onse noong makarating na kami sa bahay nina Mario. Sa wakas, nakarating na kami sa aming tutuluyan. Ito ang unang hakbang patungo sa Wereber.

Piling mga larawan:

plating by Kali















di po kami ang nagnakaw ng empanada


in your face - ang dinakdakan












pics by Hammer and fisherman

Grilla + Nestle Creamery [imon's cam]




thanks, lis :)

Saturday, October 18, 2008

Wereber: Isang Talaan ng Paglalakbay


Panimula

Ang salitang Wereber ay nabuo sa loob ng isang taksi dahil sa isang diskusyon patungkol sa plano sa sembreak. Ito ay ang dekonstruksyon ni Kali sa salitang Wherever na nagpapatungkol sa walang kapakialaman ng patutunguhan o walang kasiguraduhan ng destinasyon - ika nga ng kasabihan, ang importante ay ang paglalakbay at hindi ang patutunguhan. 

Ang orihinal na plano, ng barkada noon, ay pumunta sa isang lugar na wala pa masyadong nakakapunta at sa kasamaang palad ay hindi pa namin maaring sabihin hangga't hindi pa kami nakakarating doon. Kaya naman sa loob ng taksi ay minungkahi ko na sa Lipa na lang kami para naman may matutuluyan at may mga mapuntahan din magagandang lugar. At mula sa kawalaan ay nasabi ni Kali na - sa norte na lang tayo pumunta. Nagdadawalang isip ako dahil wala akong kakilala doon, pero sabi naman ni Kali ay siya na ang bahala. Maganda ang suhestyon ni Kali dahil gusto ko rin pumunta sa Norte dahil sawa na rin ako sa Timog Katagalugan pero may takot akong nararamdaman. Hindi ko alam kung saan naman kami pupunta dun.

Ako: San naman tayo pupunta ser?
Kali: Wereber, ser! [dito nagsimula ang salitang wereber]
Ako: so destination x tayo?
Kali: Mas importante ang paglalakabay kaysa patutunguhan.
Ako: Sige ser. Game.

Ang Paghahanda

Isang linggo din itong pagpaplano sa gitna ng tensyon ng pagsusumite ng mga papel, pag aaral sa huling pagsusulit, at walang hanggang pagpupuyat para sa sa mga klase ni Coach, Mascot, at Cheerleader. Dalawang araw mula sa nakatakdang pag alis ay nagkaroon kami ng masamang balita - wala pala kaming sasakyan. Mabuti na lang at may mahihiraman kami pero kukuhanin pa namin sa Lipa. Hala, sige game pa din.

Sa gabi bago kami magsimula sa paglalakbay ay nagkaroon ng mumunting pagsasama sa condo - ang philo poker night. Natapos ang laro namin sa loob ng tatlong oras, pagkatapos ng laro ay nagkaroon ng kaunti kwentuhan. Umuwi na si Rudolf [di na voltaire] ng 12mn pero naiwan pa sa condo ang iba. Kwentuhan kami hanggan 4am, pero na udlot ito dahil kailangan na namin umalis ni Kali papuntang Lipa para hiramin ang kotse. Puyat kami kaya naman ang himbing ng tulog namin sa biyahe. Kailangan din naman namin bumalik kaagad kasi may pupuntahan pa kaming salo-salo para sa kaarawan ni Lis. Nagmadali na kaming pumuntang pa maynila para di kami mahuli sa pinangako naming alas onseng pagsundo sa may kaarawan. Natapos ang salo salo ng mga alas tres ng hapon pero kailangan pa namin maghintay ng hanggan alas siete dahil maghahatid pa kami ng mga tao at hihintayin pa namin si Christian na sasama pala sa lakad namin - isang mabuting kapalaran dahil may isa pang pwedeng magmaneho bukod sa akin [navigator si Kali].

Alas siete ng gabi. Nagdadasal kami at nagpasalamat bago kami umalis sa maynila. Eto na kami. Magkakaibigan maglalakbay sa lugar na di namin alam - patungo sa Wereber.

Mga Manlalakbay



Diaz, Christian  - Law Student, 2nd year, UST
Si Diaz o Tian o the Team ay isang masipag na estudyante ng abogasiya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nangangambang mawala na siya sa kursong ito dahil sa kahirapan ng nakaraang semestre. Ang paglalakabay na ito para sa kanya ay isang paraan para mabigyan ng kasayahan at kalayaan ang waring nabugbog nang katawan at isipan sa pamantasan. 






Quinones, Kalayaan - MA Philo, 2nd year, UST
Si Kali o Serge o the Hammer ay nasa ikalawang taon na ng kanyang Masteral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nabibilang sa maliit na populasyon na kumukuha ng Pilosopiya dito. Pinili niya agad na mag MA nang makatapos ng AB Philo sa UST, at pagkatapos ng unang semestre niya ng ikalawang taon ay tila nagsasawa na siya at kailangan ng bagong kapaligiran sa labas ng buhay akademiko. Paglalakbay diwa - ito ang kadahilanan ng paglalakbay na ito para sa kanya - dadalhin ba siya ulit pabalik sa pilosopiya sa loob ng pamantasan o ang pilosopiya niya ay ipapamahagi muna niya sa labas ng mga dingding ng silid aralan?


Olgado, Raymond - MA Philo, 1st year, UST
Si Imon o Emo-n o The Fisherman ay kababalik lang sa poder ng pilosopiyang silid aralan sa UST mula sa pagtratrabaho. Tila ay nabigyan ng matinding pagsubok sa buhay niya sa unang semestre ng kanyang pagbalik sa pamantasan. Ang pangunahing dahilan ng paglalakbay na ito ay para magkaroon siya ng mas matatag na pundasyon na tila ay nayanig ng mga pangyayari sa buhay niya. Nagdadalawang isip kung itutuloy pa ang mga pangarap na binuo kasama ang minamahal niya. 

Orellosa, Aiane - AB Journ Grad, UST
Si aiane o eekai ang minamahal at ang nagmamahal kay Kali. Sa kasalukuyan ay nagtuturo siya ng Ingles sa mga Koreano habang naghihintay ng tawag para maging siyang Flight Stewardess sa isang malupit na kompanya ng eroplano.










Florendo, Mario Rico- [di ko pa alam ang kurso niya], 4th year, UP
Si Mario o Rico ay ang may ari ng amin tinitigilang bahay. Siya ay dati naming kaklase na lumipat sa UP at naging Exchange Student sa bansang Hapon. Kababalik pa lamang niya sa ating bansa noon Septyembre at papasok na ulit siya sa UP sa darating na semestre. 









RyDen [update namin yun apelyido niya sa susunod na araw]- MA Philo, UP
Si Ry o Ryden ay may tunay na pangalan na Ryan Dennis. Siya ang bestfriend ni Mario at naging Exchange Student din sa Japan. Habang estyudante doon ay naging translator siya sa isang lokal na news network doon at nagtuturo ng Tagalog sa mga pulis sa Tokyo. Nagturo na din siya ng wika sa DLSU at sa ngayon ay nagbabakasyon muna. 








Ilang Piling Litrato




sa kwarto
sa cctv cam sa shell


HHWW @ CSI - Dagupan













Pics:
1 Bantay Belltower - Fisherman
2 Diaz - Fisherman
3 Kali - Fisherman
4 Imon - Hammer
5 eekai - fisherman
6 Mario - fisherman
7 ryden - fisherman
8 kwarto - fisherman
9 cctv- hammer
10 hhww - fisherman

SPONSOR:


isang beses lang kami hindi nag shell, nalugi pa kami sa gas

*salamat sa pagbibigay sa akin ng asignatura na gumawa nito. baka nga sakali bumalik ang aking mumunting talento sa pagsusulat*