Ang salitang Wereber ay nabuo sa loob ng isang taksi dahil sa isang diskusyon patungkol sa plano sa sembreak. Ito ay ang dekonstruksyon ni Kali sa salitang Wherever na nagpapatungkol sa walang kapakialaman ng patutunguhan o walang kasiguraduhan ng destinasyon - ika nga ng kasabihan, ang importante ay ang paglalakbay at hindi ang patutunguhan.
sa kwarto
Ang orihinal na plano, ng barkada noon, ay pumunta sa isang lugar na wala pa masyadong nakakapunta at sa kasamaang palad ay hindi pa namin maaring sabihin hangga't hindi pa kami nakakarating doon. Kaya naman sa loob ng taksi ay minungkahi ko na sa Lipa na lang kami para naman may matutuluyan at may mga mapuntahan din magagandang lugar. At mula sa kawalaan ay nasabi ni Kali na - sa norte na lang tayo pumunta. Nagdadawalang isip ako dahil wala akong kakilala doon, pero sabi naman ni Kali ay siya na ang bahala. Maganda ang suhestyon ni Kali dahil gusto ko rin pumunta sa Norte dahil sawa na rin ako sa Timog Katagalugan pero may takot akong nararamdaman. Hindi ko alam kung saan naman kami pupunta dun.
Ako: San naman tayo pupunta ser?
Kali: Wereber, ser! [dito nagsimula ang salitang wereber]
Ako: so destination x tayo?
Kali: Mas importante ang paglalakabay kaysa patutunguhan.
Ako: Sige ser. Game.
Ang Paghahanda
Isang linggo din itong pagpaplano sa gitna ng tensyon ng pagsusumite ng mga papel, pag aaral sa huling pagsusulit, at walang hanggang pagpupuyat para sa sa mga klase ni Coach, Mascot, at Cheerleader. Dalawang araw mula sa nakatakdang pag alis ay nagkaroon kami ng masamang balita - wala pala kaming sasakyan. Mabuti na lang at may mahihiraman kami pero kukuhanin pa namin sa Lipa. Hala, sige game pa din.
Sa gabi bago kami magsimula sa paglalakbay ay nagkaroon ng mumunting pagsasama sa condo - ang philo poker night. Natapos ang laro namin sa loob ng tatlong oras, pagkatapos ng laro ay nagkaroon ng kaunti kwentuhan. Umuwi na si Rudolf [di na voltaire] ng 12mn pero naiwan pa sa condo ang iba. Kwentuhan kami hanggan 4am, pero na udlot ito dahil kailangan na namin umalis ni Kali papuntang Lipa para hiramin ang kotse. Puyat kami kaya naman ang himbing ng tulog namin sa biyahe. Kailangan din naman namin bumalik kaagad kasi may pupuntahan pa kaming salo-salo para sa kaarawan ni Lis. Nagmadali na kaming pumuntang pa maynila para di kami mahuli sa pinangako naming alas onseng pagsundo sa may kaarawan. Natapos ang salo salo ng mga alas tres ng hapon pero kailangan pa namin maghintay ng hanggan alas siete dahil maghahatid pa kami ng mga tao at hihintayin pa namin si Christian na sasama pala sa lakad namin - isang mabuting kapalaran dahil may isa pang pwedeng magmaneho bukod sa akin [navigator si Kali].
Alas siete ng gabi. Nagdadasal kami at nagpasalamat bago kami umalis sa maynila. Eto na kami. Magkakaibigan maglalakbay sa lugar na di namin alam - patungo sa Wereber.
Mga Manlalakbay
Diaz, Christian - Law Student, 2nd year, UST
Si Diaz o Tian o the Team ay isang masipag na estudyante ng abogasiya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nangangambang mawala na siya sa kursong ito dahil sa kahirapan ng nakaraang semestre. Ang paglalakabay na ito para sa kanya ay isang paraan para mabigyan ng kasayahan at kalayaan ang waring nabugbog nang katawan at isipan sa pamantasan.
Quinones, Kalayaan - MA Philo, 2nd year, UST
Si Kali o Serge o the Hammer ay nasa ikalawang taon na ng kanyang Masteral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nabibilang sa maliit na populasyon na kumukuha ng Pilosopiya dito. Pinili niya agad na mag MA nang makatapos ng AB Philo sa UST, at pagkatapos ng unang semestre niya ng ikalawang taon ay tila nagsasawa na siya at kailangan ng bagong kapaligiran sa labas ng buhay akademiko. Paglalakbay diwa - ito ang kadahilanan ng paglalakbay na ito para sa kanya - dadalhin ba siya ulit pabalik sa pilosopiya sa loob ng pamantasan o ang pilosopiya niya ay ipapamahagi muna niya sa labas ng mga dingding ng silid aralan?
Olgado, Raymond - MA Philo, 1st year, UST
Si Imon o Emo-n o The Fisherman ay kababalik lang sa poder ng pilosopiyang silid aralan sa UST mula sa pagtratrabaho. Tila ay nabigyan ng matinding pagsubok sa buhay niya sa unang semestre ng kanyang pagbalik sa pamantasan. Ang pangunahing dahilan ng paglalakbay na ito ay para magkaroon siya ng mas matatag na pundasyon na tila ay nayanig ng mga pangyayari sa buhay niya. Nagdadalawang isip kung itutuloy pa ang mga pangarap na binuo kasama ang minamahal niya.
Orellosa, Aiane - AB Journ Grad, UST
Si aiane o eekai ang minamahal at ang nagmamahal kay Kali. Sa kasalukuyan ay nagtuturo siya ng Ingles sa mga Koreano habang naghihintay ng tawag para maging siyang Flight Stewardess sa isang malupit na kompanya ng eroplano.
Florendo, Mario Rico- [di ko pa alam ang kurso niya], 4th year, UP
Si Mario o Rico ay ang may ari ng amin tinitigilang bahay. Siya ay dati naming kaklase na lumipat sa UP at naging Exchange Student sa bansang Hapon. Kababalik pa lamang niya sa ating bansa noon Septyembre at papasok na ulit siya sa UP sa darating na semestre.
RyDen [update namin yun apelyido niya sa susunod na araw]- MA Philo, UP
Si Ry o Ryden ay may tunay na pangalan na Ryan Dennis. Siya ang bestfriend ni Mario at naging Exchange Student din sa Japan. Habang estyudante doon ay naging translator siya sa isang lokal na news network doon at nagtuturo ng Tagalog sa mga pulis sa Tokyo. Nagturo na din siya ng wika sa DLSU at sa ngayon ay nagbabakasyon muna.
Ilang Piling Litrato
sa cctv cam sa shell
Pics:
1 Bantay Belltower - Fisherman
2 Diaz - Fisherman
3 Kali - Fisherman
4 Imon - Hammer
5 eekai - fisherman
6 Mario - fisherman
7 ryden - fisherman
8 kwarto - fisherman
9 cctv- hammer
10 hhww - fisherman
SPONSOR:
2 comments:
Boo!! tatawagan ako kung kelan umalis na... wag ka na magsalita Christian Diaz, wala ka karapatan. hahahaha
updated with pics
Post a Comment