Ang Unang Hakbang [10.16.08]
Sunday, October 19, 2008
Wereber: Isang Talaan ng Paglalakbay II
Alas siete. Nagdasal kami at nagpasalamat bago umalis sa Maynila. Eto na kami. Magkakaibigan na maglalakbay patungo sa lugar na hindi namin alam - patungo sa Wereber.
Pinili namin na si Diaz muna ang magsisimula bilang taga pag maneho ng kotse habang si Kali ang opisyal namin na navigator. Napagkasunduan na pinakamabilis na daan patungo sa NLEX ay ang daan mula sa North Avenue. Wala masyadong kaguluhan sa trapiko mula North Ave- Balintawak hanggang sa NLEX. Habang nasa daan ay ikinukwento namin ni Kali kay Diaz ang nangyari noong nakaraang gabi sa condo at kung anu-ano pang pangyayari sa araw na iyon. Nagpalitan kami ng kuro kuro habang binabaybay namin ang kahabaan ng NLEX. Di ko maiwasan ikumpara ito sa SLEX sa kadahilanan na ito ang madalas kong tinatahak na daan pauwi ng Lipa. Naisipan namin na maglagay na muna ng krudo para tuloy tuloy ang aming paglalakbay at para makarating kaagad kami sa Norte. At syempre naman ay dun kami dumaan sa amin sponsor.
Mula sa Shell station ay dumerecho na kami sa kahabaan ng North Diversion Road. Pinapaalalahan namin si Diaz na strikto ang NLEX sa speed limit at maging alisto sa pagpapalit ng linya dahil may kabilisan din ang takbo ng ibang sasakyan. Wala namang kakaibang nangyari dito, paulit ulit nang mga kwento tungkol sa buhay namin, sa eskwelahan, opinyong pinansyal at kung anu ano pa.
Pagkalampas ng Luisita ay ako naman papalit kay Diaz na mag drive. Sa may Shell station sa harap ng 7th day adventist kami tumigil para may unat at magpalit ng posisyon.
Shell After Luisita
Napansin ko lang na soooooooobrang tagal namin sa Tarlac. Feeling ko na nadaanan na namin ang lahat na bayan dito sa probinsyang ito dahil mas matagal pa ata ang nilakbay namin dito kaysa sa NLEX-Pampanga. Wala namang masyadong naging problema pwera na lang sa konting lubak sa kalsada, kakulangan ng ilaw sa daan, at mga pasaway na motorista na hindi marunong mag dim ng ilaw at walang brake lights. Nagugutom na kami pero napagdesisyunan namin na sa bahay na nila Mario kami kakain kasi nakahanda na daw ang pagkain, tiniis na lang namin at nagmadali patungo sa Urdaneta.
Pagdating namin sa Urdaneta nagkamali pa kami ng liko, medyo napaaga ng isang kanto at napadpad kami sa palengke. Adventure. Nagmarunong kami at pilit hinahanap ang palatandaan kung saan kami pupunta. Sa kabutihang palad ay malapit lang pala ang Shell sa amin kinatatayuan kaya naman di kami kinabahan at sa halip ay natuwa pa dahil malapit na kami sa Brgy Mabanogbog!
Pasado alas onse noong makarating na kami sa bahay nina Mario. Sa wakas, nakarating na kami sa aming tutuluyan. Ito ang unang hakbang patungo sa Wereber.
Piling mga larawan:
di po kami ang nagnakaw ng empanada
pics by Hammer and fisherman
Posted by iamtheblur at 11:27 AM
Labels: eekai, imon, kali, mario, pagkakaibigan, paglalakabay, ryden, wereber, xtian
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
updated with pics...
where's tatang? :( want to see him..
wait lang ser. day 4 pa si lolo.
hahaha
hahahahaha fine.. ill wait for your novel.. hahaha
wahahaha.
abangan mo :)
try ko matapos before saturday :)
nasa kondisyon pa pala si TiKoY corolla hehe. akala ko Civic ang dadalhin mo?
puntang tarlac sina ate gina :)
rey malapit na!
wahahaha.
naglagay na ako ng isang pic ng lolo mo sa part III :p
Post a Comment