BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Monday, October 27, 2008

Wereber: Isang Talaan ng Paglalakbay III

Agahan

Biyernes na. Gising na mga kaibigan. Unang araw natin sa Wereber. Pagkaraan ng ilang oras na tulog ay nasilayan din namin ang liwanag ng araw sa Bgry. Mabanogbog. Ang aming bahay sa mga darating na araw. Pagbukas namin ng pinto ng kwarto (yung litrato sa tabi), ay nakahain na sa amin ang agahan namin na inihanda ni Mario, ang may ari ng bahay. Gising na rin pala ang si RyDen at ang iba pang mga bisita nina Mario. (oo, parang hotel bahay nila) May mga suman na, mainit na mga tinapay, peanut butter, mainit na tubig, at kape sa lamesa. Kinamusta ni Mario ang biyahe namin at kami naman ay kinamusta ang pag aaral niya sa Japan. Tinanong ni Mario kung saan ang kami unang pupunta. Ang napagusapan ay pupunta kaming beach na malapit sa Urdaneta. Pagkatapos ng agahan ay si Kali ang nag prisinta na mag hugas ng pinggan at kami ni Tian ang magliligpit ng lamesa.

 

 

 

 

 

 

 

pagod sa biyahe

kainan na!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

suman!

Soon-to-be-Atty. Christian "The Team" Diaz

 

 

 

 

 

 

 

Photo Shoot para sa Nescafe Ad

Thank you, Lord. *taps table three times*

Tanghalian

Pagkatapos ng masarap na almusal ay nagpahinga muna kami sa kwarto. Nagsound trip, PSP, surf sa net (gamit ang malupit na Jap ver. ng MacBook ni Mario) at nagplano ulit ng pupuntahan. Pumasok si Mario para magtanong kung saang beach kami pupunta. Sa tanong niyang iyon, doon nagulo (sa magandang paraan) ang plano noong almusal. Nasabi ni Mario na may Bangus Festival daw sa Sabado sa Dagupan, kaya mas mainam daw na Sabado na lang kami pumunta para isang biyahe na papunta sa kanlurang bayan ng Urdaneta. Kung pupunta kami kinabukasan sa beach, saan kami pupunta ngayon? Wala kaming masabi na sagot kay Mario, pero sabi niya na "may pinupuntahan ang mga Catholics sa Manaoag. Malapit lang yun." (Methodist po si Mario). Nagkatinginan kami nina Kali at hindi ko matandaan kung sino ang nagsabi pero may nagbanggit na "tara na lang doon. Magpasalamat tayo sa sem na ito at sa biyahe natin." At doon kami ay nagkaisa - sa hapon ay dadalaw kami sa Birhen ng Manaoag. Pero bago muna yun - tanghalian muna.

Mabuti na lamang at dala namin ang pinagmamalaking chef ng Team Flow - si Christian Diaz. Siya ang naghanda ng mga kakainin namin sa tanghalian. Adobo ang inabutan kong niluluto ni Tian sa kusina. Nagkwekwento si Tian sa amin nina Ryden kung paano siya natutong magluto. Sa may hindi alam ay may kantina dati sina Tian sa Intramuros at kapag wala ang tagapagluto nila doon ay siya at ang kanyang nanay ang naghahalili sa pagluluto. Bukod daw doon ay mahilig din daw siyang kumain kaya kailangan niyang matutong magluto para naman daw masarap ang kakainin niya. Madami ang niluto na pagkain dahil kasama pa din namin sa bahay ang ibang bisita nina Mario. Habang pinapalambot ang adobo ay naghanda na kami ng mga lamesa. Ang naging usapan ay sa loob kami at sa labas yung kaibigan nina Mario. Bago kumain yung mga nasa labas ay kinanta nila ang pasasalamat bago kumain - medyo pop yung bersyon nila. Humirit si Tian na "Mario RnB naman ang bersyon namin." Hahaha. Malupit ang lutong adobo ni Atty Chef Diaz. Kung saan niloloko namin siya na pede na siyang magpakasal (next in line ka na boy). Naputol ang tawanan namin noong sumigaw si Ryden ng "Mario-kun blah blah koori!". Lol. Ano yun? Tanong namin kay Mario. Nag away pa yung dalawa kung ano ang tamang bigkas ng salitang iyon - pero ICE lang pala ang kailangan (koori: ice). Ang aming tagapagsalin at henyo sa salitang banyaga na si Tian ay humirit ng ganito:

Tian: Ser, Cory (yes yung pangulo) ang tamang bigka niyan.

Kami: Lol. Paano mo naman alam yan?

Tian: Ayin kasi sa pag aaral ko sa lenguahe na yan, naimpluwensyahan yang salitang yan ng mga Pilipino.

Kami: Bakit naman?

Tian: Ganito kasi yan, Ano kulay ni Cory?

Kami: Yellow

Tian: yun na yun ser! Yelo = ice.

*ampota*

Natapos din ang aming tanghalian sa gitna ng mga kwento ni Mario ng kultura sa Japan at walang katapusang pagpapatawa ni Diaz. Naghanda na kami papunta sa Manaoag at ang mga kaibigan ni MArio ay umuwi na.

 

 

 

 

 

 

Ryden and co.

Talong Cutting 101

 

 

 

 

 

 

Adobo!

 

foooooood!

 

Dasalan

Malapit lang ang bayan ng Manaoag sa Urdaneta. Higit kumulang tatlumpung minuto ang biyahe papunta dito. Unang beses ko lang makarating dito, kahit na ilang beses ako dati pinipilit nina mama na sumama sa kanila papunta dito. Ganito rin ang sabi ni Kali, madalas nga daw ang magulang niya dito. Wala akong masabi sa lugar. Sobrang tahimik (nagkataon ata na konti lang talaga tao nung pumunta kami dito) at mararamdaman mo ang kabanalan ng lugar. Marami nang nakatirik na kandlia sa candle gallery. Yung iba ay ang parang isang buong plastic ang biniling kandila meron naman na padalawa dalawa lang ang sinisindihan na kandila. Habang nasa pila ay iniisip ko na ang hihilingin ko sa Panginoon. Pero sa hawak kong pera noon ay mukhang tatlong kandila lang ang mabibili ko. Ayos lang. Ang importante magpagdasal ko sila.

Kanya kanya kaming pwesto nina Kali, Tian, Mario, at Ryden sa pagdadasal at pagtirik ng kandila. Sa hindi ko pa napagkwentuhan - naiyak ako sa pagdadasal. Potek. Feeling ko talaga sobrang makasalanan ako at di ako karapat dapat humiling ng kahit ano para sa sarili ko. Basta mapatawad ako sa kasalanan ko, ok na. Yung dalawa ko pang kandila ay para sa mga importanteng tao sa buhay - ang pamilya at siya. Sana kahit paano madinig ng nasa Itaas ang dasal ko. Pagkatapos magdasal ay pumasok kami sa loob para tingnan ang imahen ng birhen, sa kasamaang palad ay sarado na yung daan pataas sa likod ng Birhen kung saan pede mo siya mahawakan. Sa loob ng simbahan ay kumuha kami ng mga litrato. Syempre may malupit na namang kuha si Kali (tingnan sa baba). Mga Domikano pala ang nagpapatakbo ng simbahan na ito at parang may seminaryo ata sila sa tabi ng simabahan. Pinalabas na kami ng gwardiya dahil magsasara na daw.

Sa patio ay tuloy ang pagkuha namin sa simbahan. Sabi nga ni Kali ay umayon ang panahon at ang liwanag sa oras na kumukuha kami ng litrato. Kaya naman ang dami naming kuha dito. Sa harapan ng simbahan ay may mga tindahan ng mga imahen, rosaryo, etc kung saan tumingin at bumili sina Kali at Tian ng pasalubong sa mga magulang nila. Swerte pa namin dahil may Razon's din sa labas. Kaya nag halo halo kami bago umuwi.

Maraming salamat, Birhen ng Manaoag.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Inside the Church

Sa loob ulit

 

 

 

 

 

 

 

 

 

:)

Church of Our Lady of Manaoag

 

 

 

 

 

 

Kuha ni Kali

Kinuhanan si Kali

 

 

 

 

 

 

 

Razon's

Halo

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Halo Halo

di pa halo.

Peryahan

Paguwi namin ay bumili na kami ng ulam sa daan. May bagong bukas ng lechon manok na nagtitinda ng isang buong manok para lamang sa halaga na 130-soemthing. Sobrang haba ng pila, talo pa ang linya sa lotto na 200m ang premyo. Yun pala kailangan pang maghintay ng 30 minuto bago namin makuha ang manok, kaya sa iba na lang kami bumili. Pagdating sa bahay ay sinalubong kaagad kami ng tita ni Mario, nag yayaya papunta sa peryahan. Ok sa amin ni Kali ang ideya, pero si Tian pass muna daw, pahinga muna daw siya. Madali kaming naghapunan at pumunta kaagad kami sa peryahan. Pasensya wala kaming dalang camera o cellphone man lang doon.

Pinag aralan muna namin ni Kali ang probability ng pagtama sa mga laro dun bago tumaya. May color game doon na mahinang taya na ang 100 per game. Kaya naman hinanap pa namin yung pede ang limang piso na taya. Sa color game na ito, may anim na kulay tapos ishoot mo yung bola sa isang funnel (lol di ko alam yung tamang term), tapos tatalbog yung bola hanggang tumigil siya sa isang square na may kulay. 1/6 na tatama ka sa kulay na pinustahan mo pero may tatlong bola so may tatlong 16.6% ka na tatama ka. Dun naman sa isang laro, kung same suit times two kaagad yung taya mo. So yung chance nun 1/4 - 25% para sa may panalo ka. Kung gusto mo naman manalo ng times ten ng taya mo dapat same card ng papatakan ng pingpong ball. 1/52 ang chance dun. Ang gameplan ni Kali ay ganito - taya sa color game, then pagpaubos na lipat sa card. Hahaha. Masaya ito. Laugh trip pa kami dun sa parang roulette na may 31 numbers at 2 letters ata un. pag piso, 10php  pag tumapat sa napili mong value. Ubos ang piso dito pero ang saya.

Umuwi na kami ng alas diyes kasi matutulog pa yung mga bata naming kasama at si Eekai ay dadating ng madaling araw mula Manila. (naks. Love nga naman.)

Piling mga Larawan

 

 

 

 

 

 

 

Ano yan mga ser?

habang naghihintay sa manok - Kali singin' Mata sa yong kokote ~

LQ

Beatle's anyone?

struggle kami i-operate ang washing machine

 

rey's lolo

 

 

 

 

 

 

 

 

 

japan japan

 

pics by kali and imon

33 comments:

Imon dreams of Anfield. said...

wahahaha.

sa wakas na tapos ko din... potek

kali with the k said...

ilang oras? haha.

Imon dreams of Anfield. said...

1hr+

Ella Torrico said...

naaliw ako sa blog mo:)) para kang si bob ong:))

kali with the k said...

tara, perya?

Imon dreams of Anfield. said...

walang mapupulot na aral dyan.

hahaha.

Imon dreams of Anfield. said...

2 of spades

o


3 of hearts ang unang taya?


hahaha

pede din orange or yellow para UST. hahaha

potek. naalala ko yung bangka sa color game... kamukha ni..... nyahahahahaha.

Ella Torrico said...

hahaha. di naman.
writer po ba kayo?

Imon dreams of Anfield. said...

di po ako writer. pero salamat sa "compliment" :) bantayan mo pa mga darating na blog tungkol sa paglalakbay namin sa Wereber :) saka pagtyagaan mo na yung ibang ka emohan ng blogs ko XD

taga sulat lamang ako ng mga kwentong barbero na hinaluan ng katotohanan. hahaha. baliktad dapat ata un. :p

Ella Torrico said...

malay mu hidden talent mu un?:))

Imon dreams of Anfield. said...

hidden talent?

itatago ko na lang :p

hahaha./

actually ako si bob ong in real life.
watch out for my new book midnight - tungkol sa kapre at sa babaeng minamahal niya. mas orig ito kaysa twilight. :p (potek baduy)

Ella Torrico said...

waaaahh? d nga?

Ella Torrico said...

ikaw ba tlga toh?

Imon dreams of Anfield. said...

totoo yan.

promise. coming out in bookstores this winter.

saka alam mo ba....

walang gullible sa dictionary?

:D

hehehe.

basa ka lang. kung pics naman ang gusto mong tingnan click mo yung blog ni kaliquinones :)

Imon dreams of Anfield. said...

joke lang un.

sa totoo lang... di pa ako nakakapag basa ng kahit isang libro ni bob ong. nairirnig ko lang mga nilalaman ng mga libro mula sa mga classmates ko dati :)

Ella Torrico said...

aysus?! pero napapaisip nga ako ah kung ikaw nga yan o hindi?

Imon dreams of Anfield. said...

hehehe.

:)

Ella Torrico said...

maniniwala na sana ko eh
but it was nice talking to you here:))

Imon dreams of Anfield. said...

basahin mo din yung iba pang entry dito :p

saka yung blogs ng mga kaibigan ko :)

Ella Torrico said...

haha. baka nga maniwala na ko na ikaw ga tlga c pareng bob?

Imon dreams of Anfield. said...

hahaha.

wag naman sana. pero salamat na din :)

Ella Torrico said...

haha eto na binabasa ko na nga.
ano po bang course natapos mu? matanong lang:))

Imon dreams of Anfield. said...

Bachelor of Arts Major In Philosophy - UST XD
Minor in Basketball and Procrastination :p

Ella Torrico said...

awow! bigtime pala yung course mu! :))

Minor in Basketball and Procrastination :p--hmmm..=P

Imon dreams of Anfield. said...

bigtime?

nyahahaha.

basketball pa bigtime :p

Ella Torrico said...

masaket sa ulo yang course mu eh feeling ko lang. hehe

Imon dreams of Anfield. said...

alin? yung mag procrastinate? hahaha.

Ella Torrico said...

hehe. ah eh tlgang mahirap un:))

Imon dreams of Anfield. said...

:p

Imon dreams of Anfield. said...

hindi ko matandaan kung ano itong tinitingnan namin ni tian....

Edit: alam ko na..... yung kokote song...

Gina Silva-Camaya said...

hmmm...was that yosi you were holding in the picture?

Imon dreams of Anfield. said...

what is yosi?
papel yan ate gina. :p
ilusyon laang yan ng kamera :p

voltaire lozada said...

dapat i-archive tong blog na to. makasaysayan.:))