BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Wednesday, January 23, 2008

What is Asenso?

"Pagkaraan ng pitong taon ramdam nila ang pag asenso!"

Ulol!

Hindi ko alam kung tanga, bobo, bulag, magnanakaw, o politikong taga Palasyo ang naka isip na nararamdaman nila ang pagasenso ngayon.

Pag asenso ba yung nagkatrabaho ka pero welder naman? Ano ka dati? Taga tagay sa kanto? Taga laba ng damit ng misis mo? Anak ng pitong tupa! Ungas ka!

Sabi nung isa ngayon daw nabibili na daw niya lahat ng gusto niya... NASAN NA FERRARI MO?! Ano ba gusto mo sa buhay? Lollipop? Sapsap? Baka gusto nabibili mo pero yung kailangan mo hindi na!

Anak ng mga tupang puti.

Ito ba ang pag asenso? Ang pagkaangat (lols. spell angat backwards) ng buhay MO, ng SARILI MO? Aba, kung ganito ang asenso eh mga magnanakaw sa Gobyerno lang ang umaasenso.

Ang pagasenso ay mararamdaman kung ang bawat isang Pinoy ay magkakabili ng pagkain araw araw na sapat para makakain ng 3 beses sa isang araw. Ang pag asenso ay yung may masisilungan ang bawat tao, may dingding na yayakap sa gitna ng lamig ng hangin, hindi sa kalsada nahiga o nakabitin sa ilalim ng tulay. Pag asenso ay kapag ang bawat Pinoy ay nakakapagpalit pa ng malinis na damit araw araw. Pag asenso ay kapag ang bawat Pinoy ay nakakabasa na at nakakaintindi ng binabasa nya.

Pag asenso ba? Asa pa.

-----

PS:
Maniniwala akong umaasenso na ulit kapag .25 na lang ulit ang bawat kendi.

4 comments:

Ged Ignacio said...

ASA TALAGA.

Imon dreams of Anfield. said...

LABO! connect the dots plox...

kali with the k said...

Mayroong katotohanan sa pagbibigay-kahulugan sa kung ano ang pag-asenso, kung ating imumungkahi na ang pag-asenso ay:
masusukat kung napupunuan ang anumang pagkukulang.

Ngunit, isang mahalagang bahagi rin ng pagkamit ng pag-asensong ito, na siyang hinahangad nang lahat, ay ang pag-tanggap sa katotohanang, meron din tayong: kanya-kanyang kalabisan.

Sa katunayan, ang tunay na kahulugan ng pag-asenso ay
hindi makakamit sa paraang pagtanggap o pag-alam lamang sa mga ideyang laman nang dalawang katotohanang ito.

Sa isang panibagong perspektibo, bigyan natin ng kahulugan at katuturan ang mungkahing: ang "kaalaman" hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagiging susi sa pag-asenso tungo sa minimithing kaunlaran.

Huwad o bulag kaya akong ituturing kung sa aking paghihinuha ay aking paratanganan na ang bawat kakulangan at ang bawat kalabisan ay namamayani sa lipunan sapagkat ito ang siyang sumasalamin sa bawat katauhan nating mga nilalang? Taliwas ito sa kaisipang mali ang sisteng umiiral sa kasalukuyan. Sapagkat kung ating susuriin, ang tao rin ang siyang naglapat at ngayon nga'y nagpapairal sa sisteng ito. Kaya't sa huli ang tao at ang kanyang kapwa pa rin ang siyang magiging sukatan sa kung anong buhay at uri ng pamumuhay ang pinanigan niya.

Kaya't ngayon, isang malaking hamon ang ating kinakailangang harapin. Atin nawang ituring na pawang mga abnormalidad na kinakailangang bigyang-pansin at tugon itong mga kakulangan at kalabisan sa ating mundong ginagalawan.

Isang malaking dagok sa aking pagkatao kung hindi ko aamining, tulad mo, nagka-sala din ako. Pareho tayong may mga pagkukulang sa ating lipunan, sa ating kapwa, at higit sa lahat, sa ating mga sarili. At kasabay ng ating paglunok sa katotohanang ito, atin ding aminin na tulad nito o marahil, mas higit pa nga rito: labis-labis ang ating pagmamalabis.

Epidemiya na nga bang dapat ituring ang pagkawalan nang pag-asa ng nakararami? Kung gayon, meron pa kayang lunas na maaaring magpagaling sa ganitong tila yatang nangingibabaw na pananaw ng ilan? Kung ang mas nakararami ay patuloy na aasa na magbabago ng kusa itong mundong ating ginagalawan, o hindi kaya ang i-asa sa pamahalaan o sa Diyos ang kanyang kahihinatnan; marahil ay tama lamang na pumanig na ako sa kanila at amining wala na ngang pag-asa. Sapagkat ang tipo ng pag-asang ito ay isang landas na hindi kanais-nais tahakin. Isang landas na kung saan ang pagkukulang at ang pagmamalabis ay pinagtagpo. Pagmamalabis: ang pag-aasa at patuloy na pagnanasa na mayroon at Mayroong magliligtas sa atin. At pagkukulang: sa ating patuloy na pagnanais na magkaroon ng pagbabago sa ating mundo nang hindi tayo nakihahalubilo, nawawala ang ating responsibilidad sa lipunan at sa ating kapwa. At hindi kalaunan ay nawawala na rin ang ating kasarinlan (ka-sarili-nan), na siya mismong nagbibigay kahulugan sa ating pagkatao.

Kaya naman, kung inaantay lamang nating magbago at umasenso ang mundo: huwag na tayong umasa, sapagkat ang pag-asa ay mananatili lamang bilang pag-asa. Pero kung dumating ang panahon na gamitin natin -hindi bilang susi- kundi bilang gabay ang ating kaalaman sa mga nangyayaring kakulangan at kalabisan sa ating mundong ginagalawan, na siya ring magsisilbing hudyat ng pagbabago at pagasenso ng ating mga sarili: hindi na natin kailangan pang umasa, sapagkat tayo at ang pag-asa ay matuturing na bilang, isa.

Imon dreams of Anfield. said...

^-- gawa ka ng blog entry mo!

hahaha.