BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Saturday, November 29, 2008

News Flash from Batangas!

Airplane Crashes in Batangas
Tinanatanong ng reporter ang testigo sa pag crash ng eroplano sa
Malapad na Parang, Lobo, Batangas

Media: Manong, paki describe nga ho ng airplane crash.

Mamay: Tinatangla ko laang ang buwig na sabang malapit ko nang
tibain ay nasiglawan ko ang usok na pasirok ang dating.

Media: Ano ho ba ang una ninyong nakita?

Mamay: Aba'y una nga'y pasirok, maya-maya'y nagbatirok sumunod ay
pairok-irok. Iyunnnn, ay di saka sumalpok tapos ang katapusa'y
sumabog!

Media: Ano ho?!?!?
------------ --------- --------- --------- --

Barilan naman sa Tanauan, Batangas

Media: Ano ho ba ang nangyari?

Mamay: Kami laang naman ho'y nakaungkot dine sa balisbisan ng bahay.
Ay maya-maya ho ay bigla na laang na nagdagaaban, tapos nagpalahawan
ay di kami naman ho'y nagkaripasan!

Media: Ano daw?!?!?

------------ --------- --------- -

An airplane crashed at a town in Batangas (again).

MEDIA: Manong, pakilarawan po ang nangyari.

LOLO: Ala eh, nakow, garne ga utoy... Kakaalmusal ko laang, gayak
ako'y sisinsay sa kahanggan, ay natan-awan ko yaan sa alapaap ay
nagsisilab. Bago sumirok ng papagay-on na kala mo'y papatak.
Ginagaling na laang at sa sukalang areh sumugba, ay kung sa kabayanan
ga, ay di panay mga utas!

MEDIA: Ho?
------------ --------- --------- -----

(ire pa ang isa...)

Vehicular Accident in Batangas

MEDIA: 'Lo, kayo daw po'ng saksi?

LOLO: Ay uwoh! Ika'y pumarne dine sa silong. Kung ako pa naman ang
dadais sa iyo para magsalaysay ay sulong!

MEDIA: 'Sensya na po sa abala.

LOLO: Ako'y naka-ungkot laang dine at karakaraka'y ako'y nagitla sa
busina. May mag-inang hasing-hasi pa ng paghihikap ay gab-eng gab-e
na! Bakin ga aring dyip ay saksakan ng tulin??? Ay di ako'y palakat
na sa mag-inang di naiingli! Aba'y maiipit na'y naka-umis pa!
Kainaman. Hayown!
Sa pag-iwas ng dyip ay sumalya sa tarangka, tiklap ang tapaludung
lasa ko'y kawangki ng nilamukos na kiche.
Pagkakabugnot ng drayber!
Ngalngal e!
MEDIA: Ano raw?
-

ROFLMAO.

3 comments:

nin manalo said...

haha! :)) aliw. naaliw ako. XD panakaw XD

voltaire lozada said...

kasi pag balitang batangas dapat ang nag-iinterview batangueƱo din... haha...

Imon dreams of Anfield. said...

ay talagang gay-on!