BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Friday, July 6, 2007

Heaven Cried

and I was under its eyes...

Damn. Tough luck.

-----

Yesterday afternoon's downpour irritated me more than the usual rain because of three things:

[1] I decided not to bring an umbrella that morning because I thought that there wouldn't be any rain later in the day (should have watched the weather report the night before)

[2] I just shined my shoe (which is like one in a blue moon)

[3] I just had enough money to travel by jeep back to the condo! No cab ride for me. >.<

----

But the rain made me look back at the past. (*lol* nostalgic!)

Ang bawat patak ng ulan sa daan, bawat kwento ng mga taong naiinip sa paghihintay sa harap ng gusali ng CTB, at sa bawat oras na sinusunog ko sa pag iisip ng gagagwin habang umuulan ay nagpaalala sa akin ng UST.

Sa ikatlong buwan ko pa lamang sa unibersidad ay nakita ko na ang maalamat na ilog ng EspaƱa. Inis na inis ako noon kasi huli nang ibinalita na wala na palang klase, kung kelan pa baha na saka pa nila sinabi. Ang masama pa dito, kasama ko ang pinsan kong babae, na naka all white na uniform. Kaya todo buhat at akay. Dun pa lang, sinumpa ko na ang unibersidad. Akala ko noon ay di na mangyayari ito ulit sa akin, pero mali ang akala ko.

Sa huling taon ko sa UST at sa huling semester, inabot na naman ako ng baha.

Naisip namin na mag cut sa klase ng Philo of Religion dahil bukod sa feeling namin ay walang kwenta na naman ang topic, ay gusto din namin mag DoTa. Dun pa kami nakapwesto malapit sa may pintuan ng Arena.

Imon: oi voltz umuulan na, tara na.

Voltz: eh di nabasa tayo. mamaya na. scared?

Em: mamaya na lang, kill pa kita eh.

Imon: lol. sige.

Kaya ayun, paglabas namin ay baha na ang Dapitan. Tapos para makatawid ay kinakailangan pa namin bayadan si Kuya Tadyak ng bente. Malas. Akala ko ay yun na ang hangganan ng kamalasan ko. Yun pala ay nagsisimula pa lang ito.

eto pala isang entry ko tungkol dito.... [mula sa friendster]

Bumaba mula sa langit ang galit ng mga anghel. Tinangay ang mga basura, binaha ang mga kalye, sinira ang daloy ng trapiko, at pinalusong ako sa agos ng ilog ng Sampaloc.

Naranasan ko ito sa unang pagkakataon noong Agosto 2003. Pero hindi ko inaakalang maaulit muli ang pangyayri iyon, ang masama pa nito ay mas malupit pa ang nangyari.

Dala ng katamaran ay lumiban kami sa klase ng Rationalism para mag DotA. Masaya naman ang kinahinatnan ng laro, hindi na namin namalayan ang oras, pati ang nangyayari sa labas. Kaya andoon kami pagkatapos ng laro, nakatanga sa umaagos nang tubig sa dating kalye ng Dapitan. Ayos. Nakarma agad kami tuloy.

*fast forward*

Pagkaraan ng isang oras mahigit na paghihintay sa loob ng unibersidad, napagpasyahan namin ni Lis na tahakin na ang daan pauwi sa kanila. Sapagkat ang mga sasakyan, na tila mga bangka na sa Laon Laan, ay puro patay na ang makina at mahimbing na nakasawsaw sa baha.

Ayos. Adventure.

Mula sa kalye ng Navarra hanggang sa Lacson ay maririnig ang sigaw ni Lis sa pandidiri sa bahang umaagos sa kanyang paa. Habang ako naman ay kalmadong nagmumura sa aking isip sa mga nangyayari.Nang makarating sa Lacson ay nakita namin ang pagkabuhol buhol ng trapiko dito. Nakita ko rin ang pagiging makasarili ng tao pagdating ng krisis. Buti na lang at nagsawa na rin si Lis sa pagsigaw, nakakadagdag inis din kasi ito.

Hindi ko inaakalang malalakad namin ang kahabaan ng Laong Laan, mula Navarra hanggang sa Isarog (na dalawang kanto lang ang layo sa Mayon.). Tapos may baha pa na nilunod ang aking balat na sapatos at ang aking pinalatsang pantalon. Asar. Sakit pa ng likod ko.

May mga kaklase akong na stranded sa loob ng AB nun. Balita ko ay may Jollibee Meal na naman sila c/o Dean's Office. Tapos nagki paglaro yung mga prof sa kanila ng "pinoy henyo" sa faculty room. Habang ako ay parang basang sisiw na nanginginig sa bahay niya. :)

----

Ang ulan din ito ay pinaalala sa akin muli kung gaano ako kapabaya nung nag aaral pa lang ako.

Mataas daw ang IQ ko, ayon sa IQ tests na kinukuha ko sa internet at sa eskwelahan. Pero underachiever daw ako, dahil wala akong study habits. Ako naman, walang pakialam. Sa loob loob ko ay "dati ko nang alam yan lols." Bukod sa walang study habits, kuntento na lang ako sa pag pasa. Basta di bagsak ok lang. Ok lang na mag cut ako basta sa test makapasa ako. Siguro ito ang dahilan kung bakit may mga pagkakataon na naiinis ako sa mga taong pagkatapos pa lang mag check ng papel ay pumipindot na agad sa calculator para malaman kung ano ang dapat nilang score para maka 1 sa kanilang grado. Pero inis ba ito o inggit? Sila may gustong mangyari habang ako, walang pakialam. Apathetic, pathetic even.

Ang paghihirap ng magulang ko para mabigyan ako ng mabuting edukasyon ay sinusuklian ko ng kawalang kwentahang pagliliwaliw. Basketball dito, Dota dun, tambay dito, tulog dun. Pero sa di ko inaasahan pangyayari ay nakapag tapos din ako.

Ito marahil ang isang dahilan kung bakit di na rin ako sumali sa tinuring kong "contest" noon. Nung matapos ko ang thesis ko, nasabi ko sa sarili kong may silbi pa rin pala ako. Nung matapos ang defense, at nalaman ko ang score ko sa thesis ko, naging masaya ako. Sa wakas, narating ko rin ang gusto kong mangyari. Sa wakas, nagkaroon din ako ng pakialam.

------

Ito pala huhugutin ko rin sa blog sa friendster. tula ko habang umuulan. :)

Poem 1 [saw your pic on friendster]

-------------------

I dreamt of

sand castles and seashores

and sound of the crystalline waves

crashing subtlety on land

[While driving along East Avenue]

Pictures of you, then

came falling from the past

like the fading sunlight

on the distant horizon

[Heart jumping]

I held my tears.

[Of Joy? Of Sorrow?]

Nostalgic lines

of youthful vibrance

[Writes]

You were the soul

of my own soul

My love's apex

and its downfall

You made me L.O.V.E.

[Lay down my Own Very Essence]

But never taught me hate.

[Sigh]

I dreamt of

sand castles and seashores

and sound of the crystalline waves

crashing subtlety on land

With us leaving footprints

on the sifting sands.

 

POEM 2

-----------------------------

Patience is the rain

It's only good

As long as it keeps

pouring on

dropping

dripping from

the heavenly valves

of mercy and holiness

Yet mercy and holiness

still has limits

Wait until swords

of the sun penetrates

through the clouds

to burn

to boil

to disintegrate

every drop

every drip

of patience.

[i hate waiting, when I'm not the one who is suppose to be waiting.]

 

POEM 3

-------------------------------

[LOOOOOOOOONG OVERDUE POEM]

Nasan ang pag asa

Sa mundong ginagalawan?

Bawat patak ng ulan

Bawat tulo ng luha

Ang gulo at lungkot na dala

Tila ay di na mawawala.

0 comments: