BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Wednesday, July 25, 2007

Emo.

Minsan masarap umupo na lang

makinig sa himig ng hangin

manood ng sayaw ng mga dahon

magpayapos sa init ng araw

magpahalik sa lamig ng gabi

 

Minsan masarap mangarap

bumalik sa ibang nakaraan

maramdaman ang gustong hinaharap

mabuhay sa planadong kasalukyan

at maramdaman ang mga ito labas sariling kaisipan

 

Minsan. Sana.

0 comments: