Mag lagnat ako for two days, at tatlong bagay lang ang naiisip kong dahilan:
[1] Naulanan ako nung Sunday evening
[2] Nagpapanic ako dahil may paper sa Wojtyla class ni Dr. Aguas
[3] Talo ang UST. (hahaha)
So SL ako from Mon - Tue at humihingi ang supervisor ko ng medical certificate. Since submission din ng paper kahapon (tues, 08/05) nag decide ako na magpacheck up na rin.
Tinanong ko yung babae kung saan pedeng pa check up kasi nagkalagnat ako saka hinahapo ako (lol. nakalimutan ko kasi yung term na pulmo). sabi sa akin, punta po kayo sa 113, sabay turo ng direction kung saan.
Pag pasok ko dun sabi sa akin ng doctor, ano problem sir? sabi ko magpapacheck up po. tanong ng doctor, er, nasan ang pasyente. sabi ko, ako po. (pota may kutob na akong mali) sabi ng doctor, er, pedia po ako. (ANAK NG!)
Syempre cool lang dapat, di dapat ipahalatang mali, sabi ko, dito po ako pinapunta ng nasa desk eh, masakit po kasi yung likod ko pag umuubo at galing lang po ako sa lagnat. sabi ng doctor, punta ka sa cardio. ako naman, nag thank you sabay punta sa 3011.
Habang nasa pila ng mga magpapacheck up, napansin ko yung katabi ko may hawak na results ng test mula sa "Heart ekekek Clinic". nag text agad ako kay Robert kung ano ibig sabihin ng Cardiologist (di ko pa rin matandaan yung PULMO.) nag text si robert na tungkol sa puso yan. (WHAAAAAAAT?!) kinabahan lalo ako. pagtingin ko sa likod ko (nakasandal ako sa wall), saka ko nakita yung Dr. X, Internal Medicine - Pulmo... something. Shit. Mali na naman. Pero dahil nakapila na ako for 20 mins, ok na, bahala na.
Pagpasok ko, sabi ko agad kay dra. llarena, doc di ko po alam kung tama yung pinuntahan ko. tumawa siya at sinabing, tingnan natin kung tama o mali, ano ba nararamdaman mo. pagkasabi ko sa kanya, nagsulat siya sa mga papel na may check din siya nilalagay. sabi niya, you need to do these things bago kita bigyan ng solusyon, we have to see muna yung status ng puso mo (hahaha literal ito!). May acute myo.... (di ko maintindihan, parang sulat niya) ka. baka naapektuhan ng virus yung muscles ng heart mo kaya ka ganyan. nagpasalamat ako at umalis na.
ngayon naman, dahil di ko nga naintindihan yung sinabi niya nag try ako mag research. una kong nakita na heart problem na may myo ay:
Myocardial infarction or commonly known as heart attack. (click nyo yung word para ma redirect kayo sa wiki). pota. panic. hinga ng malalim. basa. haaaay. buti na lang. walang sinasabi about sa viral inffection. so search ulit, eto naman sunod kong nakita:
Myocarditis or inflammation of myocardium (muscular part of the heart). basa. amf. eto na nga un. hehehe. nakukuha para sa gamot. anyway, punta na ako sa hospital ngaun para sa check up at med exams (xray, cbc-esr ecg).
good luck sa akin :) sana pede kumopya sa exmas dun. hahaha. pychosomatic (aguas amf)
--- update 080608---
ok naman yung xray ko. wala naman daw abnormal (except sa curvature ng spinal column ko)
sa blood test naman, mukhang ok naman. (hahaha. para marunong ah)
sa ecg wala pa. tomorrow afternoon ko pa malalaman. :)
--- update 080808 ---
Just got my ECG result (wala pa yung sa ultra sound-doppler thing)
Yung diagnosis:
[1] Sinus Arrhythmia
[2] Left Ventricular Hypertrophy by sokolow lyon
hmmm... mamaya ko pa kakausapin yung Cardio ko. haaaay... nakakakaba...
--- LAST UPDATE NA WOOOOHOOOO 080808 ---
LOL.
ang sabi ni Dra. Llarena: yang "sakit" mo ay di actually sakit. pinanganak ka nang may ganyan. that is: prolapses sa heart valve. (nag drawing siya at kahit papaano ay na gets ko naman). kumbaga sa gate ng bahay at hindi pantay yung gate. kaya parang madaling mapasok or hindi makaharang ng maayos ang valves ko. oh well. walang operation na mangyayari (salamat) pero i'll be taking medicine for a week, tapos if ever may episodes na lang ulit iinom.
about dun sa gamot, Indenal (di ako sure basta katunog niyan) ang binigay sa akin. sabi pa sa akin:
Dra. : you'll be taking this medicine for a week. dapat araw araw, actually pero dahil bata ka pa, one week na lang muna. may negative effect kasi ito.
Ako: (wah) anong effect po?
Dra.: ah, eh, pag bata kasi may negative effect sa, um... libido.
Ako: (lols. pampalibog?) anong effect po dun?
Dra.: ah, eh, nakakabawas ng, er, sexual urge.
Ako: (anak ng!) ah. ganun po ba. depende pala kung paano nyo titingnan yung effect.
Dra.: hehehe (pota bakit kaya di pa ito umalis)
(wahahaha. mga stock holders ng McDo, eto na kalaban nyong gamot!)
-----------------------
anyways, buti naman ok na.
Deo Gratias! :)
2 comments:
updated 080808
hahaha. last update :)
Post a Comment