BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Thursday, February 26, 2009

Walkin on the sun


Walkin On The Sun - Smash Mouth

Ah, ah! Pagkakabanas na eh.

Aba'y parating na nga ang tag init! Biruin mong kaaga pa laang eh tagaktak na ang pawis. Partida na yun at kakaligo pa laang. Susmariajosep! 

Bukod sa tumataas na temperatura ay tumaas na rin ang presyo ng gasolina pati ang pasensya ng mga tao ay naapektuhan nareng pag dating ng tag init.

Kaya chillax muna at mag enjoy ng magic. (hehehe)


Lucky Pick!

Sa nakaraang dalawang linggo ay nagkaribok ang bayan sa pagpila para sa pag taya ng lotto na ang premyo ay umabot ng higit kumulang 300m. Ah,ah. Kung makikita nyo laang nag pila doon sa outlet, eh daig pa yung pila ng nag kokomunyon sa katedral eh. At pihong puspusan ang dasal ng mga tumaya na sana sila ang manalo - kaya siguro puspusan din ang trabaho ng mga santo sa langit. Aba'y pinagdasalan na ata ng iba ang lahat na santo eh. yun nga laang - may nanalo na. Sabi nga nung mga nag jogging sa Granja, ang nanalo daw sa lotto ay mag asawa (clue: FGMA. :p) Ala'y kung gayon laang eh, daayaan pala areng lottong are. 

Di ko pinagkakaila na isa ako sa tumaya sa lotto (aba'y baka maka chamba! sayang nga din!). Pero di ako nagdasal sa mga santo para manalo ako. Iniisip ko na laang na para sa mga mahihirap at mga nagugutom ito - katulad ko. wahahaha.

Isang nakakatawang pangyayari sa lottohan - 

Ako: Pa, are na yung ticket.2 yung Quick Pick ninyo (ayung ang tawag sa US sa Lucky Pick)
Pa: Aba'y kaganda ng mga numero. (sabay ngisi)
Ako: Gayon din laang naman eh. sa huli ninyo kasi iniliagay yung QP ninyo.
Pa: (naka ngisi at tumingin sa mga nakapila) Aba'y wag na kayong tumaya. Nasa akin na ang mananalong ticket.

Lol. Totoong nangyari yaan.


Early to Bed...

early to rise, makes a man, healthy, wealthy and wise.

Ayan ang isa sa mga nursery rhymes, na itinuro sa amin dati sa school ni Mrs. Conti, na hindi kong makakalimutan - kasama na ang Baa Baa black Sheep. Sa pag dating ni papa, medyo nadududa na ako kung totoo nga yan.

Sa agang matulog ni Papa, alas otso pa laang ay tulog na iyan. Yun nga laang mga bandang alas dose ay gigising yan para utusan akong pahinaain ang aircon. Tapos mga alas dos ay manggigising na ulit yan para pahinain ulit ng konti ang aircon. At sa huling pagkakataon ay gigisingin niya ulit ako ng alas quatro y media para ipapatay yung aircon. Eto ang malupit, 5:30 ay palayahaw na yan na sisigaw na "pakundo, ika'y gumising na! at tayo'y mag wawalking pa!" 

Anak ng pitong puting tupa! Pagkakaingay naman talaga. Parang nasa kabilang barrio yung kausap eh. 

Mukhang yung rhyme eh mali. Kasi yung bida laang yung nakikinabang, paano yung sidekick?


Passing the Torch

Dati nung nag retire na si Michael Jordan pinaguusapan kung sino ang papalit sa trono ni His Airness. Sabi ng iba si Kobe Bryant daw, yung iba ang sabi ay si Grant Hill daw, tapos ngayon si LeBron. Walang konekyson ito sa ikukwento ko - gusto ko lang ipahiwatig na pag may umaalis ay may darating para punan yung espasyo na naiwan nung umalis o nung lumisan. Kasi...

nung isang araw nung nasa sala kami ng mga tiyo ko. Magkwentuhan kami ng isa kong pinsan, tiyo kong isa, at si papa. Nagkukwentuhan sila ng mga nangyari noon - yung mga barkadahan at adventures nila. Ako naman ay andun laang sa isang upuan at tumatango na laang at ngumingiti. Bigla na laang nagsalita yung isa kong tiyo na "aba'y kami'y malapit na rin. kayo nang bahala." Kunaman. Eto na naman tayo sa masinsinang usapan. Si papa naman yung yung isa kong pinsan ay nagusap gamit yung malupit nilang lenguahe na ginagamitan ng mga letrang pinabaliktad (tinuro sa akin ito dati ni papa pero di ko matandaan yung tamang pagbabaliktad.) na medyo nagegets ko naman yung usapan.

halimbawa:
bala - dara
muna - numa

meron pang iba pero di ako sigurado kung anong letra yung magkakapartner. :p

dito rin sa usapan ito, naisip ko na parang ang malas ko. kasi naman, isa ako sa pinakabata sa mag pipinsan. tapos yung mga tiyo at tiya ko ay sabihin na nating pabalik na sa buhay. Kaya naman mukhang di ko sila makukuhang ninong o ninong sa kasal - malamang di pede yung mga pinsan ko. Ang malupit pa dun ay naunahan pa akong magpakasal nung isa kong pamangkin. (basta 2013 pa :D) At mukhang magiging lolo na ako bago matapos ang taon. (history repeats itself sabi nga ni Ate Dada.) To think yung mga pamangkin ko ay halos kasing edad ko na rin yung iba at mas madalas pang kabarkada.

Sabi nga ni Papa, parang ako din lang yan. Kuya Tito ang tawag, hindi Uncle o Tito (er, well tito na yung palayaw mo :p).


Inuman at Inuman ulit

Nakareceive ako ng text mula kay Benjo:

Inuman? (Y/N)

Nagreply naman ako ng: Y. San?

Sinabi niyang sa may Dapitan Square daw sa bagong bukas na inuman (sa cor ng Lacson at Dapitan.) Pagdating namin ng UST ni voltz ay nasa Tapsi pa si Benjo dahil may inuman daw dun dahil bday ni Padi (isang seminarista sa eccle). So naghintay pa kami ni voltz sa Jbee dahil may utang pa din ako sa kanyang Champ meal dahil sa pustahan sa PBA. Habang naghihintay ay naglaro kami ni Voltz ng Fifa 09 (oh yeah! buzzer beater goal ni Robinho). At pagdating ni Benjo narinig namin na ayaw na daw niya maginuman kasi may susunduin pa daw siya. (*ubo*) Syempre bad trip kami dahil dumayo pa kami para lang sa inuman. Pagkatapos ng pangungutya ay bumigay na din si Benjo at natuloy ang inuman sa Dapitan Square.

Umorder kami ng isang bucket ng Lights (booo walang pale!). At si Voltz naman ay biglang nagpaalam kasi announcement daw ng winner ng election sa AB. Pero mabilis lang daw. Gaano kabilis? *fast forward* Di na siya bumalik.

Anyway, so kwentuhan kami ni Benjo dun at biglang dumating si Diaz na ayon sa kanya, ay nasa kanya ang password ng results ng elections sa AB. LOL. Kaya sinabihan kong pumunta na sa para makabalik agad sila ni Voltz para sa inuman. Si Benjo naman ay busy sa pag tetext with matching emoticons pa. (pero kalimutan nyo na lang na sinabi ko ito. hahaha) Yun pala ay aalis na din siya kasi may <nakalimutan ko kung anong itatawag dun eh - kayo na lang mag isip kung anong itatawag dun :p >.

Nung paalis na siya ay hinarang siya ni Marella na kakadating lang mula sa dinner niya with family. Kaya ayun isang bucket ulit. At nung nagpagusapan na uwian na dahil may <blank> si benjo at nag yaya si voltz ng inuman with SDP, may malupit akong narinig na sinabi ni marella tungkol kay benjo - pero syempre nakalimutan ko ulit, di ba benjo? hahaha.

lol. wala lang.

oo nga pala, salamat sa SDP at congrats sa mga nanalo sa kandidato nyo :)

--- yung laang ---

7 comments:

Benjo Gonzalez said...

LAIS, ALL LAIS.

robert padilla dillera said...

wahahah

Lex Olgado said...

summmmmeeeerrrrrrrrrrrrr~

>:)

memae prochina said...

kweLa ni "f***** d**r" =))

Imon dreams of Anfield. said...

FC? hahaha.

memae prochina said...

lolz

'dii rin ..
'dii kaiLangan ..

:))

Ella Torrico said...

lol. ngayon ko lang narinig ang kanta! hahaha :P

you might as well be walking on the sun .....

high school ko naalala ko. hehe.