(Disclaimer: di ako doctor o med student so pasensya na kung
Kaka - Ito ang tawag namin sa probinsya mga nakakatanda sa amin biglang pag galang, kadalasan ay sa mga tito at tita. e.g. Kakang Jose, Kakang Maria
---------
Kakadating ko lang mula sa Cardinal Santos, bumisita ulit sa uncle ko. Hmmm... simulan ko muna yung kwento mula nung isang linggo...
Pumunta sa
Fast Forward.
Kaninang umaga, tumawag si Mama habang tumatakbo ako papunta sa station ko, dahil late na ako ng 5 mins. Eto ang usapan namin:
Mama: Di inoperahan ang Kakang Esar mo.
Imon: Bakit daw po?
Mama: May nakitang lump sa may liver.
Imon: Di ga yun ang tatanggalin?
Mama: May cancer of the liver siya.
Imon: ano?!
Mama: May cancer of the liver siya. Katulad ng sakit ng Mamay
Imon: (bulong sa sarili) putangina!
Mama: Puntahan mo at walang kasama ang Ate Joy mo. Magmatanda ka. Ikaw representative ni Papa.
Imon: ako na ho ang bahala. (shit! wag naman sana)
SHEEEEEEEEET!
Di ako makapaniwala. Kinabahan ako at, syempre, palpitate agad. Wag naman sana, ang sabi ko sa sarili ko.
Pumunta ako dun sa CSMC kasama sina Nin at Jeannie (mga pamangkin ko). Sa kotse, ang unang tanong nila, "Kuya Mon, alam mo na ba?" Wah. Baka di pa nila alam, sabi ko sa sarili ko. "ano yun?" pa inosenteng tanong ko. "Di inoperahan si Daddy (kakang esar)," sabi nila. "ah..." sabi ko. Tapos sabi nila, "may nakita kasing lump. tapos nung ooperahan na, napansin na yung sa may lump part pala ang nag susupply ng dugo sa ibang internal organs. saka may nakita sila sa dugo na <insert technical term> na ang normal ay 0-10 eh sa daddy ay 5000(!!!)" *wah, so may cancer nga...*
Pagdating sa hospital, at nung nakita ko na ang uncle ko, naiyak ako. Pinipigil ko, at pilit tinatago kaya palabas-labas ako para lumuha ng pakonti konti sa walang nakakakita sa akin. Nakakaawa talaga, nawala yung dating sigla at ngioti ni Kakang Esar. Sad sad times, pare.
------------
I dont give a shit, kung may mag sasabi sa akin ngayon na ang tanga ko kasi di na naman ako pumasok sa Wojtyla class. Di ko ipagpapalit ang oras na makasama ang kapamilya na kailangan nang suporta. Nagiisang anak ang pinsan ko at di pa ganun katatanda mga anak niya, suporta ang kailangan nila ngaun, at yung ang maiibigay ko, kahit sa simpleng pagbabantay lang.
-------------
Flashback
Noong nasa minor pa ako, tuwing linggo ng alas dos ng hapon ay may gigising sa akin (siesta time pa un!) para sabihin na may bisita ako. Madadatnan ko sa visiting hall si Kakang Esar, nakangiti at may dalang BigMac meal na upsize at may caramel sundae pa. EVERY SUNDAY YAN, WALANG PALYA! Nakakatuwa kasi may mga linggo na di nakakadalaw sina Mama at Papa dahil minsan ay nasa CFC o kaya ay nasa Manila at may inaayos sa project 8. Kaya naman yung dalaw ni Kakang Esar palagi ang inaasahan ko pag Sunday. Kahit paulit ulit na kwento at simpleng kumustahan lang ay nakakatuwa dahil alam mong naglalaan talaga siya ng panahon para makasama ako.
--------
Ngayon naman, oras ko para bumawi. Maglalaan din ako ng oras para sa kanya.
-------
Ipagdasal nyo po siya, kahit isang ama namin laang. Or kung may malapit po sa inyong simbahan, paki offer naman po ng misa para sa kanya. Cesar Olgado po ang pangalan niya.
Salamat ng marami.
------
Magpakasaya at Lumaban. Yan ang sinabi niya sa akin dati.
Celebrate life mga ser :)
18 comments:
misty *
*pats on the back*
tigilan mo na mga bisyo mo. let's celebrate life.. and honor it for his speedy recovery...
anong bisyo?
inuman = celebration of life :)
sa totoo lang, malas para sa akin ang taon na ito. sa maraming dahilan.
pag asa lang ang dala ko palagi.
at san ka dinala ng pag-asa mo? sa "asa"? hhahahahha...
ganun talaga ser.
mahal mo eh.
"emo ka ba?"
=))
busy ako kaya wala ako update sa blog ko. potek.
lagay ka tea bags sa mata mo. look mo pic ko =))
dasal lang sir..
pards iba trip mo ha! hahahah ayos!!
teabags pala yan.
akala ko tahong. lols.
uy tahong! hahaha
Tahong?!?!
Sino naman gustong maglagay ng tahong.sa mata? Mask rider? Bioman? Oh... Ultraman.
Kamusta mo ako sa Kaka Esar.
sige. pipicuran ko pa para sayo.
request nyo nina mama eh
meron gsto maglagay ng tahong sa mukha! hahaha
Pero maganda yung tahong na parol. Lapit na pala pasko. Hayssss.
Yung picture send mo sa email ko. Para matapos na diskusyon kung mapayat o mataba siya.
Namiss ko tuloy ang "lucky me!" Instant noodle. Ang breakfast ko everyday.. Wala din mintis.. Nung ksama ko kaka esar.
sad sad times pare.
saka yung pastl niya!!!! panalo!!!!
parang kaldereta ni papa.
sa pastil...
sabaw pa lang.. ulam na. >:)
good times pare!
send ko pic mamaya, btw
Post a Comment