BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Thursday, September 4, 2008

Probinsyano Are!

"ikaw ga'y nasan na?

Iyan ang unang text na aking natanggap pagkasakay ko ng bus. Di ako nakapaniwala na ako ay uuwi na ulit sa Lipa. Pagkakatagal na mula noon huli akong nakauwi doon sa amin. Siguro eh noong Marso pa, nung inilibing ang Nanay.

Nagreply ako: "andine pa sa terminal."

Nakakatuwa kasi ilang oras na laang ay nasa Lipa na ako. Umidlip na laang muna ako dahil kagagaling ko lang sa trabaho at malamang ay traffic na naman sa may Makati, Bicutan, at Alabang Viaduct.

Nagising ako ay nasa may Turbina na ang bus, madilim na sa labas at mukhang uulan pa ata. Oh well, di na ako makapaghintay.

----

Habang nasa bus ay may napagtanto ako:

Probinsyano nga ako.

Probinsyanong pinalaki sa mga simpleng pangarap, simpleng buhay, simpleng kasiyahan.

Ito marahil ang dahilan kung bakit ako ay nahihirapan sa siyudad ngayon. Pinipilit abutin ang mga pangarap na hindi para talaga sa akin. Pinipilit kong mahalin ang taong di kayang buhayin ng aking simpleng pinanggalingan. Pinipilit sumaya sa mga gawaing di ko kinalakihan. Pinipilit isiksik ang sarili sa mga taong di ko naman katulad. Mas bagay siguro nga siya sa taong ang  pangarap ng probinsyano ay abot kamay laang niya....

------------

Gabi na ako nakarating sa mga Kakang Inay kaya di na ako nakagala, kumain na laang ako at nakipagkwentuhan. Bukas na laang ako lalakad.

-----------

Sa wakas. Nakatulog ulit ako ng walong oras (higit pa ata)! Pagkaraan ng halos isang buwan na walang tulog na matino.

----------

Unang kong pinuntahan ay ang bahay ng Nanay. Wala nang tumitigil dito mula noong namatay siya. Sabi nina Mama ay pinapalinis daw ito kada dalwang linggo. Ok naman, malinis, pwera lang sa konting upos ng kahoy dahil na rin siguro sa katagalan na ng bahay.

Naalala ko pa na dito kami lagi nagkikita kita mag kakamag anak tuwing may okasyon o kahit ordinaryong araw na mapag isipan laang namin magsama sama.

----------

Sunod naman ay pumunta ako sa bahay namin sa katabing baranggay. May katiwala kami na tumitigil dito ngaun, at ayon kina Mama ay nag adobo daw sila nung isang buwan ng bayawak (ampota!). Muntik pa akong makagat ng aso! Wah.

Nakakamiss tumigil dito. Kaya naman nag tingin tingin ako ng mga album at mga kung anu-ano sa baul at sa bodega. Nakakamiss ang aming pamilya, seryoso.

Nakakamiss kumain ng sabay sabay kahit di ganun kamahal ang pagkain namin. Nakakamiss magkwentuhan ng kung anong nangyari sa araw at mag lokohan sa mga bagay bagay. Nakakamiss pagalitan ng tatay ko dahil di ko saulo ang multiplication table at kung paano niya ubusin ang baon ko dahil sa pustahan sa freethrow. Nakakamiss nagpahabol sa nanay ko ng palo habang tumatawa pa dahil di niya ako maabutan. Nakakamiss magtaguan sa looban, magbaril barilan, mambato ng mangga at umakyat sa bayabas. Nakakamiss ang simpleng buhay.

 

Ako kaya namimiss niya? (ampota. emo.)

--------

Pagkatapos mag inspect sa bahay at pumunta na ako sa bayan para dalawin si Kakang Esar sa Balagbag. [note: ayoko minsan makita yung mga kapitbahay nina kakang esar dito kasi ang palaging bati sa akin ay: kumusta ka na ga banoknok? amf. di ko alam kung bakit ganun tawag sa akin.] Traffic sa may Tambo pa laang kaya naisip ko kung dadaan na laang ako sa Lodlod para makaiwas. Pero dahil tinamad na naman akong lumiko, dumiretso na laang ako. Buti na laaang!!! One way na pala ang daan papunta dun. Kung dumaan ako sa Lodlod ay marahil umikot pa ako sa may monumento (ni claro m recto). Madami na palang reroutes sa Lipa, ginagawa kasi yung tulay sa may Sabang.

Wah! Ang payat na ni Kakang Esar! Nakakabigla kasi nung huli ko siyang nakita sa Baptism Reception ni Rafa ay di pa siya ganun kapayat. Doon na kami nagtanghalian at kinahapunan ay pumuntang Mediatrix siya para magpa checkup at ako naman ay papuntang Major para mag basketball. :)

-------

LOL. 36 na laang pala ang mga seminarista sa Major Seminary. Ayos. Wala na rin yung dating registrar. Kaya pumunta na lang ako sa may Theology kasi andun yung mga kakilala ko. Kwento-kwento muna bago mag basketball. Buti naman at naisipan din SA WAKAS ng mga formators na alisin ang mga effeminate sa loob. Kahiya hiya naman talaga kasi. anyways, pagod na pagod ako sa kakalaro. Kokonti na lang pala ang intresadong maglaro sa loob, kaya nakailang palitan din kami.

Pagkatapos ay nag guisado ako sa paborito namin Lomihan sa labas ng seminaryo :)

yey! kumpleto na ang bakasyon ko. :)

-----------------

Ngayong ako ay andito na ulit sa kabihasnan, kailangang tandaan kung saan ako nagmula. Para di na ako maligaw ulit sa landas. :)

3 comments:

nin manalo said...

kuya mon, sino yung tumatawag sayo ng banoknok? :))

Imon dreams of Anfield. said...

sina ninang neng mo. pati sina jojo.

nin manalo said...

wahaha.. tinanong ko kay mama kanina kung bakit banoknok.. kamukha mo da pero di ko pa din nagets :))w kasi lolo mo:))