BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Friday, June 8, 2007

Ambitions... and uh, work (+ etc.)

(lol gulo ng title ko.)

Sa tuwing matatapos ang oras ng trabaho, natatawa ako sa sarili ko. Nasasabi ko sa sarili ko, "Lol. Nasan na si Wittgenstein ngayon?" (hahaha. private language. yun pala un.) Ang pilosopiya kong mahal, napalitan na ng fixed charges, rebates, at kung anu ano pa (vanilla silver card, please). Nagmuni muni tuloy ako, ano nga ba ambisyon ko nung bata pa ako?

Idol ko sa Einstein (hanggang ngayon). At dahil idol ko siya, lagi kong sinasabi sa klase na paglaki ko magiging siyentipiko ako. Buo ang loob kong maging alagad ng siyensiya dati. Sa katunayan, yung mga chemistry books ng tita ko na nakakalat eh binabasa ko, kahit di ko naiintindihan. Tapos pinagmamalaki ko sa mga kaklase ko na alam ko ang ibig sabihin ng E=mc^2 o ng Au o Ag. (hahahaha. natatawa ako ngayon) Pero nung dumating ang grade 4, tinanong ako ng kaklase ko, "ano naman iimbentuhin mo?" Amf. Gumuho mundo ko. Wala akong maisagot. Kaya ayun, paalam na siyensya.

Dun ko naisip na "mag pari kaya ako?" Hahahaha. Oo, naisip ko na tinawag nga ako ng Panginoon para maging pastol sa mga nawawala Niyang maging tupa. Kaya naging altar knight ako. Mula sa taga dala ng kandila hanggang sa taga insenso (oh yeah! ito ang kumbaga eh pinakamataas para sa akin noon), dinaan ko lahat ito. At noong high school nga, ako ay pumasok sa St. Francis de Sales Minor Seminary (proud to be Anakiko! ). Pero sa unang taon ko pa lang eh impyerno na ang nakita ko agad. Amf. Seniority todo todo. Katos, sigaw, mura, panglalait, at kung anu ano pa ang inabot ko (at yung mga kakalase ko) araw araw. Pero syempre, tingin ko dito ay pagsubok ng Diyos para malaman kung sino ang matatag sa mga maglilingkod. Kaya nung second year ako, bugbog todo todo inabot ko sa chapel araw araw (lol sa chapel pa nga). Gusto ko na sana umalis sa seminaryo, pero dito ko nakita ang isang minamahal ko... ang basketball.

Basketball ang pinakamalupit na imbensyon ng tao. Ganito ko kamahal ang basketball. Mula nung nag third year high school ako, eh bihirang bihira ako wala sa court, lalo na wala sa first ten na maglalaro. Tinoon ko ang sakit ng buhay seminaryo sa basketball. Oo, sobrang bobo ko sa basketball noon. Tapos ginawa ko pang idol eh si Iverson (lupit nya magdribble!) na rookie pa noon. Ayun nga, naging point guard kahit pang apat ako sa pinakamatangkad sa team. hahaha. Sabi ko sa sarili ko noon, "ako magiging pinakamagaling na basketball player sa buong Lipa. Panis sa akin mga taga La Salle at Canossa." Pero dahil nga nasa probinsya at bulok ang programa sa basketball dun, larong inter-tsinelas lang inabot ng istilo ng laro ko. Pero gusto ko pa rin maging sikat na basketball player, oo, hanggang ngayon. (ano?! one on one?)

Tapos nung pumasok sa UST. Gusto kong maging Philosophy professor, pero kung katotohanan lang ang gusto nyo marinig, gusto kong maging Dean ng AB. Kahit "slacker" at "puro basketball lang ang nasa utak" ko at "puro Dota ang inatupag" ay nakagraduate ako, at pinagmamalaki ko ang thesis ko. Nabuhayan ako ng loob kasi para bang malapit na matupad yung pangarap ko. Yun nga lang, wala akong pera pang MA. hahaha. Kaya eto ako ngayon. Citiphone Officer. Nag iipon para sa baon at pag aaral (syempre baon inuna ko, mahirap mag aral ng gutom).

I put my ambition on hold for the mean time. Grad School, magkikita din tayo. :)

----------------

Pagod na pagod ako ngayon. Inikot ako ang boung Makati dahil sa putragis na bobong mapa na binigay sa akin ng clinic ng citibank. Kung sino man gumawa nun, sana mawala ka ngayong gabi. hahaha. Sa wakas, may SSS at TIN na ako. Oo nga pala, sa pag ikot ko sa Makati, napansin ko kung gaano kaganda ang Makati. Kung gaano kalayo ang pinagkaibahan nito sa Maynila (amoy maynila, sabi ni benjo).

--------------

Panalo ang Spurs kanina. Di ako nagbigla. Spurs in 5 ako. Ito pala comment ko dun sa isang blogger...

boobie = piston "killer"
spurs not = piston
therefore... :)

Off shooting? or great D? Two entirely different things.

And yes, East conference (with the #1 at 50 wins) is waaaay different from the West (see: Dallas season wins). Sure LeBron can dance his way in the eastern conference(Washington without Agent 0?!), but not in the West (see: odds +7.5 ang Cavs, kung malakas nga ang Cavs it would have been lower. NB:odd ng Y!sports). Sige sabihin na natin na 2-0 ang season series ng Cle-SA in favor of Cavs pero kasabihan nga "the real season starts at playoffs" (see: Dallas Lose-ricks). The way that SA played kanina, ganun ang magiging laro nila sa series, with a few tweaks here and there. We cannot deny the fact that LeBron is still a one man team. Sure magandang panoorin ang style niya, pero walang nanalo sa flash lang, walang flash points sa stat sheet. SA is a TEAM in its purest sense. Well for the Cavs, until someone steps up, CONSISTENTLY, Cavs will always be a LBJ show.

Di ako maka Cavs (bullls ako sa east) or Spurs (Phx sa west) pero thats how i see things.

Fearless forecast: Spurs in 5. :) (game 4 ang pivotal game. if cavs doesn't win that game. see you next season na lang.)
---
LBJ imho can be the next Jordan, the problem is there's still no "Pippen" :)

"It takes 5" sabi nga ng adidas. Ang feeling ni Lebron, ano siya si Diaz?! (hahahahaha)

-----------------

Cant wait for July. Cant wait for the paycheck. Cant wait for the first UST game. Go Tigers!

 

8 comments:

Imon dreams of Anfield. said...

babaguhin ko lay out nito bukas. hahaha. balik sa dati.

nina escoto said...

may work ka na? ano?

Imon dreams of Anfield. said...

Sa Citibank. Bank Officer. :) kuha ka credit card, tapos kaya kong alamin kung san mo ginagamit. hehehe

nina escoto said...

wahaha... ayoko mag credit card.. nanonood ako ng Oprah at yan ang sanhi ng kabundok na utang ng mga tao..

han zi said...

42 units para sa Ma kung di ako nagkakamali... for 15 units nasa 27++ ata lagay na natin sa 30 thou. nasa 75-80 thou ang buong MA kung ganun even less pa nga cguro dahil rounded up ung estimate.

sa isang sem max ay 15 units at kung iba ibang araw yun ibibigay, nasa uste ka ng 5 days. kung di ka na tatambay sa uste before or after ng class mo, kasha na cguro ang 150php para pamasahe atbp. 10 mons ang school year so kung every month ang baon mo ay 3,000php, ang total na baon mo for the whole year ay 30thou.

kung garapalang pagmamadali ang gagawin mo na 15 units first sem then 15 units second sem sabay 9 units sa summer then thesis defence sa sunod na 1st sem, matatapos ka sa loob ng 1 and half years. o kung kaya talaga puede mo matapos sa summer...enrol ka thesis writing sabay colloquium tapos thesis defence, theoretically kaya matapos ng isang taon plus summer ang MA. so yung baon mo for the whole year na 30thou dadagdagan lang ng baon for the summer class...sabihin na nating 6thou yun o kaya ay 8 thou..

to sum up... 75thou(tuition) + 36-38thou(baon) = 111thou or 113thou ang kailangan para sa MA. dipa kasama jan ang books napapa xerox o kaya naman ay bibilihin mo.

kung kumikita ka ng 15thou sa trabaho per month... kailangan mo magtrabaho ng 7.5 or 8months para ma cover lahat.

pero gusto na kita maging kaklase kagad eh! kaya galingan mo jan sa trabaho mo! kitakits sa gradschool!

Imon dreams of Anfield. said...

hahaha... mahal din pala... ipon muna @_@

fleur altez said...

kasama na ba dyan yung TAPSI fee?

han zi said...

kaya nga 150 ang baon eh.... 50 para pamasahe...sabay 100 para beer! hehe