BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Tuesday, June 12, 2007

Badtrip!

*sigaw parang sa Lucky Me ad*

Malas. Bago pa lang pumasok sa trabaho ay naramdaman ko na may mali sa simula ng araw ko. Pagkadating ko sa opisina. Pooooooooooooooooooooooooooota! May exams nga pala kami ngayon (oo may exam kami sa work). Kaya ayun nga nangyari. Badtrip! 13/20. Lagas ang average ko. Kailangan kong makabawi. Pero andito pa rin ako sa harap ng PC, gumagawa ng blog entry.

Badtrip!

--------

Bakit kaya ganun ang ibang tao? Parang walang utang na loob? Sabihin na nagkusang loob ka na ngang tumulong, tapos siya pa ito yung kung mag utos ay parang binabayadan ka para mag trabaho. Mabuti pa aso, kahit mumu meron. Ako? Mura lang at sakit sa ulo.

--------

Nalunod ako sa ika-21 palagpag.

Nag dive ako sa maliit at mababaw na pool sa ika-21 palapag.

Langoy. Sisid. Hinga.

Ang ganda pala dito pag gabi. Kita ko ang mga ilaw ng mga gusali sa marikina, katipunan, libis, cubao at meron konti dun sa may makati ata yun. Ang lamig ng ihip ng hangin ay nabubura sa ligamgam ng tubig ng pool.

Hinga. Lutang. Tingin sa langit.

Ang ganda ng mga bituin. Lumulutang din sa kanilang maitim na dagat. Sarap sigurong sumama sa kanila. Sarap sigurong umalis na dito sa lupa.

Pikit ang mga mata. Lulubog. Dahan dahan.

0 comments: