Umuwi akong gusgusin at pulang pula ang mata (dahil sa pagod). Ang lagkit ng balat ko, amoy pawis ang damit, at medyo naiinis dahil buka malamang ganito ulit ang hitsura ko pauwi.
Ito ang unang araw sa buhay trabaho ko. At ngayon pa lang, na-mimiss ko na ang pag aaral. Pero kailangan ko pang mag ipon para makapasok ulit ako sa graduate school pati baon ko dito ko pa kukuhanin. Amf. No pain, no gain.
Astig nga pala yung mga kasama ko sa trabaho. May kasama akong mommy na ang dalawa niyang anak at tomasino. Nagtrabaho siya before sa Epixtar bago siya lumipat sa citiphones, astig nga kasi 45 y/o na siya. Tapos may kasama din kami na 3 months nang pregnant, astig yung kasipagan niya, working preggy mom. Yung isa ko naman kasama ay nag handle dati ng accounts ng TFC, at naging team leader na din. Siya gagawin kong coach. Hahaha.
Lol. Wala lang. :)
0 comments:
Post a Comment